Lingid sa kaalaman ni Rommel ang nangyayari sa pamilya nya sa Bulacan..Ngunit ganunpaman,sya pa rin ay balisa.. Sa bahay nila aling Flora.. Patuloy nyang iniisip ang umalis na anak na si Jojo.. Naupong syang tulala sa kanilang sofa.. “Ano nga bang nagawa ko saking anak? Ano nga bang nagawa ko sa buhay nya?” Bigla nyang naalala ang masakit na nakaraan… “Hoy Jojo,hindi bat sinabi ko sayo na tigilan mong babaeng yon!” sigaw ni aling Flora na nuon ay galit na galit sa anak… “Kay daming babae,bakit ang babaeng yun pa..” “Inay,kahit sinong babaeng,isama at ipakilala ko sainyo,palagi kayong may pintas,palagi kayong may mali!” “Aba’t sinisigawan mo ba ko? eh bakit nga ang babaeng yun? bakit Ang kapatid pa ni Thea? kinukunsumi na nga Ako ng kapatid mong si Rommel,sumasabay ka pa!” Tumali

