Napaiyak si Thea,habang nakahiga sa kanyang tulugan,katabi ng kanyang anak..Sa sobrang pagkainis nito sa asawa.. "Napaka kj,napaka seloso pa,hmp! bwisit,bwisit!" bakit ba ikaw pang napili ko? Ang daming nagkamali sakin,nakakapagsisi!" Nakatulog na lamang si Thea na masama ang loob… Maagang nag-iinit ng tubig si thea,para sa kanilang kape… "Kape nga,miss beautiful…" wika ng nasa kanyang likuran "Nang-aasar ka ba?" tanong nya na naiinis pa rin sa asawa "Ha,ha,bakit totoo namang maganda ka eh…" "O,eh ano ngayon? umagang umaga eh" pagtataray nya sa asawa… "Talagang di na tayo,nagkatagpo noh? kagabi,ako mainit ang ulo ngayon ikaw naman.." tugon ni Rommel sa asawa.. "Rommel,bakit ka ba ganyan ha? magsuklay lang ako galit na galit ka? ayaw mo ba ko na makita na maayos?" Singhal ni Thea

