Nagulat nalang si Daniel kung sino ang nasa harap ng kanilang pinto… "Maaari bang tumuloy?” “Huh! Tito Jojo, b-bakit po?” “Ah,gusto ko lang sanang makausap ang nanay Thea mo,nandyan ba sya?” Tanong ni Jojo “Opo,nandito,sana lang,hindi nyo kasama si Lola Flora..” “Ah,hindi,hindi ko kasama..” “ Sige tuloy po kayo..” Biglang lumabas naman si Thea,mula sa kanilang kusina at nakita nya ang bayaw na si Jojo.. “Pasensya ka na Thea,narito Ako, upang humingi ng pasensya sa nangyari kanina..” “H-ah,maupo ka kuya Jojo..” tugon niya “Salamat..” Nakita ni aling Elma Ang pagdating ni Jojo kayat lumipat ito sa kabilang bahay.. “O, Jojo,narito ka pala..” Ani nito “O-oho,magandang hapon ho,nagpunta lang ho ako dito upang humingi ng pasensya sa nangyari kanina..” “Ah,mabuti naman,ikaw na laman

