Nahiga si Thea sa kama..Pinilit nyang ipahinga ang pagod na katawan.. Ngunit hindi ang kanyang isip.. Naghihintay ng kasagutan ang kanyang mga tanong.. "Inay,inay.." Biglang nagising si Thea sa mga katok sa pinto.. "Huh,nakatulog pala ko..B-bukas yan,pasok.." Si Julie pala ang nasa pintuan.. "Mano po nay,di ka pa raw kumakain sabi ni Daniel? tara na kumain na tayo,madami pala kayo ulam eh,dala daw ni tatay?" Bumunot ng isang buntong hininga si Thea,at isang malamlam na tango ang isinagot sa anak.. Hindi nakaligtas ito sa paningin ni Julie,lalo na ang namamaga nyang mga mata dahil sa pag-iyak.. "Nay,umiiyak ka ba? bakit?" "H-hindi,napuwing lang ako kanina at saka nakatulog pala ako.." pagkakaila ni Thea.. Sa palagay ni Thea ay hindi ito ang tamang panahon para malaman ng mga ana

