"Inay..nay.." tawag ni Thea sa kanyang nanay Elma "Oh,napasugod ka Thea,anong balita sainyo? dumaan si Julie dito kahapon,galing eskwela at parang gutom na gutom kaya, pinakain ko.." bungad ng kanyang nanay na nuon ay nag-lalaga ng saging na saba,ani lamang nila ito mula sa kanilang bakuran.. "Oho nay,wala hong bigas sa bahay kahapon…" "Ano? at bakit? wala pa ba balita kay Rommel?" "Hindi ko na po alam nay eh,hindi kami nagkakausap.. Si Rommel ho kasi ay nasa bandang bundok ang trabaho nila,napaka hina po ng signal duon,chamba lang magkaroon..At wala din akong maayos na cellphone.. "Eh ang solusyon nyan, puntahan mo ang biyanan mo,kahit ngayon,para malaman mo..Hay,Thea,kawawa mga anak nyo.." buntong hininga ng kanyang ina.. "O ano,wala kayong bigas? sige kumuha ka na diyan, pagkata

