APKF-36

2475 Words

Jheanne's Pov Nanlamig ang buong kalamnan ko at paulit-ulit na tumugtog sa aking isipan ang sinabi ni Ma'am Rosita. Kung si Ubi nga ay si Carlos at ito nga ang nawawala niyang anak ibig sabihin... May asawa na si Carlos...kasado na ito. Wala sa sarili akong napatayo habang binabalot ng sakit ang aking puso. Ang tatlong nakaupo ay naging isa ang tingin sa akin at binalot ng pagtataka kung bakit ako biglang napatayo. Si Ma'am Rosita ang unang nagsalita at pinigilan ako sa braso nang akmang tatalikuran ko silang tatlo. "Hija, saan ka pupunta? Hindi pa tayo nagsisimulang kumain." pigil nito sa akin na may halong paghihinayang ang tono ng boses. Walang salita ang namutawi sa aking labi. Tulala ako at nagsisimula na rin mabasa ang aking mga mata dahil sa mga luha na lumalabas mula rito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD