Ubi's Pov Habang tinitingnan ko siya na masayang nakikipag-usap sa mga magulang niya ay lalo akong napamahal. Para rin akong isang balon. Katulad ng isang balon na malalim ay ganoon rin kalalim ang pagmamahal ko kay Jheanne. Siguro kung iiwan niya ako ay hindi ako makakaahon dahil hulog na hulog na ako sa kaniya. Napangiti ako habang nakatitig sa maganda niyang mukha. Nasa hardin kami, kasama ang mga magulang niya. Nag-usap tungkol sa nalalapit naming kasal. Hinihingi rin nila ang apelyedo ko, at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin iyon naibibigay. Mabuti nalang at nililigaw ni Jheanne ang usapan kaya nawala siguro iyon sa isipan ng mommy niya. Sa totoo lang ay nahihiya ako dahil wala ako ni pisong duling na ibinigay kay Jheanne para sa aming kasal. Wala naman kasi akong pera dahil is

