Hindi pa man tuluyang nakaka alis sa tinutulayang condo unit ay halos mag maka awa na si Izzy kay Miya na huwag na siyang pasamahin sa out of town ng kanilang kumpanya lalo at nalaman niyang pati ang kanilang big boss, AKA Seth Santiago ay kasama rin doon. Nalusutan niya nga ang meeting nila kahapon dahil sa malaking pa teddy bear at boquet of roses ni Seth pero mukhang hindi niya naman malusutan ang pausong out of town nito ngayon. Hindi na nga malaman ni Izzy kung ilang beses niya nang pinakiusapan si Miya, halso hindi niya na nga rin ito tinigilan ng pangungulit kahapon kaya lang ay mukhang buong-buo na ang desisyon nitong isama siya. "Izzy, I understand you are trying to avoid our boss, but we are going to Batangas, this new place is new to me, as my secretary, I need you there. I'm

