"Thank you so much, Izzy... Gosh what do I do without you?" Napa ngisi na lamang si Izzy sa ka artehan ng kanyang boss nang ilapag niya sa mesa nito ang malaking tasa ng mainit na kape. Katitimpla niya lamang noon ngunit mabilis na nito iyong dinampot at inumpisahang inumin. Tipid pa siyang natawa nang bahagya itong pumikit saka... "Arghhhh! This is so good... Thank you..." "Anytime ma'am." Masaya niyang sabi saka napa ngiwi nang bahagya siyang irapan ng babae. "I kept telling you for the nth time, Izzy to just please-" "Call me Miya... I know. I'm just not used to it." Tuloy niya sa sasabihin nito saka imumpisahan nang ayusin ang mga nagkalat na papeles sa mesa nito. Pasado alas said na rin kasi ng gabi at mayamaya lang ay mag uuwian na rin naman. Hanggang alas tres lamang naman

