Hindi malaman ni Izzy kung paano niya pang nagawang hanapin sa babaeng kaharap si Seth Santiago. Malamang sa hindi ay nag tataka ito kung bakit niya hinahanap si Seth ng dis oras ng gabi. “Nasa loob, who are you? Anong kailangan mo?” Tanong pa nito, kulang na lamang ay mag salubong ang kilay ng babae habang mariin ang titig sa kanya. Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Gustuhin niya mang itanong iyon ay hindi niya magawa, lalo at alam niyang wala siyang karapatang mag tanong. “Ka-kailangan ko po siyang kausapin eh… P-pero di bale na lang ho, pwede pa naman siguro sa ibang ara-” “Leila, who is that?” Kulang na lamang ay humiling si Izzy na lamunin na ng lupa sa kahihiyan nang mula sa loob ay may may narinig siyang tinig ng lalaki. “Some woman, hinahanap si Seth.” Sagot ng babaeng tinawa

