Pigil ang pag hinga ni Izzy habang hinihintay na huminto sa pag ikot ang boteng kanina pang pinag lalaruan ng mga kasama niya. Hindi niya na rin mabilang kung ilang beses siyang naka hinga ng maluwag sa tuwinang hindi siya matatapatan ng nguso niyon, o kaya ay si Seth. Lalo at habang nag tatagal ang paglalaro nila at padami na rin ng padami ang alak na nauubos ay palala nang palala rin ang mga tanong ibinabato ng mga katrabaho nila sa bawat isa. At sigurado siyang kukunin ng mga ito ang pagkakataong iyon para tanungin siya o kaya si Seth ng tungkol sa kanila, isa sa mga hula niyang tanong ng mga ito ay kung anong relasyon niya sa kanilang boss. Bagay na hindi niya lang kayang sagutin, kundi hindi niya rin alam ang sagot. Tulad niya ay tahimik ring naka upo sa tabi niya si Seth Santiag

