“If you’re done eating we should leave, Isabel?” Halos mag salubong ang mga kilay na ulit ni Carl sa sinabing iyon ni Seth kanina. Hindi naman makuha mag angat ng tingin ni Izzy lalo at alam niyang hindi rin siya titigilan ng pag tatanong ni Carl. Kasalukuyan silang sakay ng sasakyan nito pa uwi sa kanyang bahay, kung may mag tatanong man kung paano niyang nagawang iwan si Seth sa bahay nibna Carl at piniling sa kanyang best friend sumama ay hindi na rin alam ni Izzy, basta’t ang tanging naalala niya lamang ay basta siyang sumama kay Carl nang hilahin siya nito palabas ng bahay nito matapos nilang kumain. Ngayon ay hindi niya rin magawang itanggi ang kanyang pag sisi na sumama siya dito higit nang muli itong mag salita at mag tanong. “Kelan pa?” Dahil sa mariing tanong na iyon ni Car

