Marahang napabuga ng hangin si Izzy habang pasimpleng tinatapunan ng tamad na tingin ang mahahalagang taong ka meeting ni Seth. Kulang na lamang ay mapahikab si Izzy dahil sa pagkaburyo, habang pilit na itinatanong sa sarili kung bakit pa nga ba siya isinama ni Seth doon gayong wala rin naman pala siyang gagawin kung hindi ang tumanga at panuorin ang mga ito, tuloy sa tagal ng meeting ay halos mangalay ang kanyang panga sa pag pipilit ng matamis na ngiti, isama pang hindi niya rin halos maintindihan ang pinaguusapan ng mga ito na tungkol sa Car Business na inililigaw ni Seth sa nga ka meeting. Saka lamang siya nakahinga nang tila unti-unti nang gumagaan ang takbo ng usapan sa silid na iyon, siyam ang bilang ng mga taong naroon sa silid kasama na sila ni Seth, lahat din halos ng mga naroo

