Lason sa Ugat

1310 Words
Tahimik ang buong silid. Nasa sahig pa rin ang kahon ng mga lumang sulat—tila mga multo ng nakaraan na bigla na lamang lumitaw upang guluhin ang kasalukuyan. Si Aira ay nakatayo, nanginginig ang mga kamay, habang si Dominic ay nakaupo sa harap ng mga papel, nakalugmok, parang nawalan ng direksyon. Pareho silang walang salitang masabi. Pareho silang takot sa posibilidad. Pareho nilang gustong sabihin na imposible iyon. Na hindi sila magkadugo. Na hindi maaaring ang pagmumuhi ng kanilang mga pamilya ay may dahilan na mas malalim, mas marumi, mas makasalanan kaysa sa pera at negosyo—na baka ang lahat ay bunga ng isang pag-ibig na ipinagbabawal pa noon pa man. “Hindi pwede…” mahinang bulong ni Dominic, hawak pa rin ang sulat ng kanyang ina. “Hindi pwedeng totoo ‘to.” “Ano ang gusto mong paniwalaan?” tanong ni Aira, hindi na niya kayang kimkimin ang boses na nanginginig sa damdamin. “Ang paninira sa akin? O ang katotohanang baka tayo ang biktima ng mga kasalanan ng mga magulang natin?” “Tumahimik ka.” “Bakit? Dahil mas madali bang manahimik kaysa harapin ang totoo? Dahil mas gusto mong maniwala na anak ako ng kalaban mo, kaysa sa posibilidad na… na hindi kita pwedeng mahalin?” Nag-angat ng tingin si Dominic. At doon, sa kanyang mga mata, nakita ni Aira ang pagguho. Pagkalito. Pag-aalinlangan. At higit sa lahat—takot. Hindi ito ang Dominic na kilala ng mundo. Hindi ito ang CEO na matalas, dominante, walang inuurungan. Ito ang batang nawalay sa ina. Ito ang anak na nabuhay sa galit at paghihiganti. Ito ang lalaking tinuruan ng sakit, hindi ng pagmamahal. “Gusto mong magpa-DNA?” tanong nito, mababa ang boses. “Kung ‘yan ang kailangan para tuldukan ‘to, fine. Bukas. Magpapakuha tayo ng sample.” Tumango si Aira, kahit nabubuo pa lang ang luha sa kanyang mga mata. “Salamat.” Hindi na ito sumagot. Tumayo lang at tumalikod, iniwan siyang mag-isa sa silid kung saan nagsimulang mabasag ang buong pagkatao nila. Kinabukasan, maaga silang umalis. Tahimik sa sasakyan. Wala ni isang salita. Pareho silang nakatingin sa labas. Si Aira ay pilit pinapakalma ang sarili, habang si Dominic ay parang binabasa ng mata ang mga gusaling kanilang nadaraanan, na para bang hinahanap ang sagot sa tanong na ni hindi pa nila maamin. Sa loob ng klinika, dumaan sila sa proseso—DNA extraction mula sa kanilang dalawa. Mabilis. Walang emosyon. Puro pirma. Puro proseso. Pagkaalis nila, hindi pa rin sila nag-usap. Hanggang sa makarating sila sa penthouse. Pagsara ng pinto, agad na lumapit si Dominic sa bar at nagbuhos ng alak. “Dominic…” tawag ni Aira, ngunit hindi ito lumingon. “Natatakot ka bang maghintay?” “Hindi ‘yan ang ikinakatakot ko.” Tumikhim ito, uminom, tapos sumagot: “Kung sakaling totoo nga ang sulat… anong balak mong gawin?” Hindi siya agad nakasagot. “Hindi ko alam.” “Tapos na tayo kung gano’n.” “Hindi pa ako sumusuko.” “Eh ‘di kawawa ka.” Tahimik. Sabay silang nagkatinginan, at sa katahimikan ay ang daming sigaw na hindi nasambit. Lumipas ang tatlong araw. Tatlong araw na puno ng kaba. Tatlong gabi na hindi siya makatulog nang maayos. Hindi niya alam kung paano haharapin ang posibilidad. Hindi niya alam kung paano ipaglalaban ang nararamdaman kung iyon pala ay isang kasalanan. Hanggang isang gabi, habang nasa balcony si Aira, dumating si Dominic. Tahimik. Humawak ito sa railing, ilang talampakan ang layo sa kanya. “Alam mo ba kung gaano ko kinamuhian ang ama mo?” tanong nito. “Alam ko.” “Akala ko siya ang sumira sa nanay ko. Akala ko siya ang dahilan kung bakit kami iniwan, kung bakit nagpakamatay si Mama. Pero kung totoo ‘yong sulat… hindi siya ang sumira—kundi ang ama ko.” Napalingon si Aira. “Ngayon ko lang naiisip… na baka minahal talaga ng mama ko ang ama mo. At baka hindi niya kailanman ginusto ang pamilyang kinalakhan ko.” Hindi siya nakaimik. “Kung magkapatid tayo,” dagdag ni Dominic, “aalis ka. Pabayaan mong ako ang managot sa kasalanan ng magulang ko.” “Hindi pa natin alam.” “Pero kung totoo…” Lumapit ito sa kanya. “Anong gagawin mo sa bata?” Napalunok siya. “Anak ko siya. Hindi ko siya iiwan.” “Anak din siya ng kapatid mo.” “Huwag kang magsalita na parang tapos na ang lahat.” Hindi sumagot si Dominic. Tumalikod. Iniwan siyang nakatayo, pilit nilalabanan ang panlalamig ng gabi at ng mga salitang unti-unting bumabaon sa kanyang balat. Dumating ang araw ng resulta. Naunang binuksan ni Dominic ang sobre. Hindi ito nagsalita. Ibinalik nito ang papel sa sobre. “Dominic?” Nilapitan niya ito, pero hindi siya pinansin. Inabot niya ang papel. Binasa. At doon bumagsak ang mundo niya. DNA Result: No biological match between Mr. Dominic Alcaraz and Ms. Aira De Leon. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman—luha ba ito ng kaluwagan? O sakit pa rin dahil sa kung paano siya tinrato? “Hindi tayo magkadugo,” bulong niya. “Hindi,” sagot ni Dominic. “Hindi ikaw ang bata sa sulat.” Tumulo ang luha ni Aira. “Pero totoo ang sulat. May relasyon ang mga magulang natin.” “Pero hindi ikaw ang bunga noon.” Tahimik silang nagkatitigan. “Kung gano’n…” bulong niya, “wala nang balakid.” “Meron pa rin.” “Anong balakid?” “Yung galit ko.” Kinabukasan, sinubukang magsimula ni Aira. Ilang linggo na ang lumipas. Hindi pa rin nagbabago si Dominic. Minsan, wala. Minsan, nandiyan. Pero parating malayo. Parating malamig. Isang gabi, habang nagpapahinga si Aira sa kwarto, biglang dumating si Dominic. Tila lasing. Amoy alak. Mapula ang mata. “Gusto mo pa rin akong mahalin?” tanong nito. Hindi siya nakasagot. “Huwag mo akong mahalin, Aira.” “Bakit?” “Dahil hindi ako marunong umibig.” Nilapitan siya nito. Hinawakan ang kanyang pisngi. “Pero gusto kong angkinin ka.” “Dominic…” “Huwag mo akong tawagin diyan.” Hinila siya nito. Hinalikan. Hindi siya lumaban. Hindi rin siya nagpumiglas. Dahil sa puso niya—kahit hindi siya sigurado kung ito’y tama—nararamdaman pa rin niyang may puwang si Dominic. Pagkaraan ng ilang araw, biglang dumating ang ina ni Aira sa penthouse. “Anak!” sabay yakap. “Hindi mo sinasabi na buntis ka na pala!” “Ma… hindi ko alam kung matutuwa ako.” “Bakit naman?” Tumulo ang luha niya. “Hindi kami okay ni Dominic.” “Anak, hindi mo kailangang ayusin lahat. Pero kailangan mong tumindig. Hindi lang para sa sarili mo… kundi para sa batang pinipili mong ipaglaban.” Kinagabihan, tahimik si Aira habang pinagmamasdan si Dominic sa bar. May hawak itong baso, pero hindi umiinom. Lumapit siya. “Pagod na ako sa katahimikan natin,” sabi niya. Hindi ito kumibo. “Dominic, kung hindi mo kayang mahalin ako, sabihin mo. Kung hindi mo kayang panindigan ‘to, umalis ka.” Tumayo ito. Hinarap siya. “Hindi ako aalis. Pero hindi ako nangangako ng pagmamahal.” Tumango siya. “Pero pipiliin kong manatili. Kahit ako lang ang may nararamdaman.” Kinabukasan, habang papalabas si Dominic para pumasok sa opisina, lumapit ang kanyang sekretarya sa elevator. “Sir,” anito, “may dumating na liham. Confidential.” Kinuha ni Dominic ang envelope. Pagbukas niya… Isa lang ang laman: “Kung hindi mo iiwan si Aira, ilalabas ko sa media ang tunay na ama ng anak niya. – Anonymous” Napamura si Dominic. Dahan-dahan siyang lumingon pabalik sa unit. At sa loob, nakita niyang hawak ni Aira ang kanyang tiyan, tila nanginginig. “Aira,” sigaw niya, “anong nangyayari?!” Tumulo ang dugo sa pagitan ng binti ni Aira.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD