Jarix Napahikab siya at nag-inat, gulat pa siya ng napatingin ang mata niya sa orasan. Alas-dose na palang mahigit, isang hikab pa ang ginawa niya bago ligpitin ang gamit niya sa ibabaw ng table. Ilang beses siyang dapat humikab para sabihin ng katawan niyang dapat na siyang matulog? Bago siya lumabas ng opisina ay humikab na naman siya. Nang lumabas siya sa building ay binati pa siya ng guard niya, masyado na nga namang malalim ang gabi para magtrabaho pa ng ganitong oras. Sa harap siya ng building dumaan, hindi siya sa elevator sumakay kung saan sa parking lot ang lalabasan niya, maglalakad tuloy siya papunta doon. Habang nakatingin sa phone niya ay may napansin siyang babae na nakahilig ang katawan sa isang malaking bag. Parang kilala niya ang build ng katawan ng babae? Lumapit s

