02 Namanhid?

2008 Words
Sunny Kinabukasan... Tamad na tamad siyang bumangon kung kailan meron na siyang trabaho. Ang dami palang naiwan na kalat ni Apollo rito hanggang sa ilalim ng papag niya ay merong bote ng alak. Lahat 'yon ay kinuha at itinabi niya dahil kahit anong oras at araw ay nandito na naman si Apollo. Bumangon siya at nag-inat, hindi na siguro siya kakain dahil magtatagal pa siya, diretso cabinet at kuha ng damit na lang ang ginawa niya, maliligo, tapos alis. Humurap siya sa salamin, nakita niya ang sugat niya sa gilid ng labi. Bumuntong-hininga siya, bago kinuha ang bag niya at lumabas ng bahay. Wala na rin siyang balak ilock ang pinto dahil nasisira naman din iyon ni Apollo. Pagkarating niya sa kumpanya ng boss niya, habang naglalakad ay biglang kmulo ang tiyan niya. Kung kailan nandito na siya saka pa siya magugutom. Hihntayin na lang niya ang tanghalian bago siya kumain, sayang kung kakain pa siya ngayong umaga. Diretso lakad na siya sa papunta sa labas ng opisina ng boss niya dahil hindi pa niya alam ang gagawin. "Mabuti at nandito ka na. Pasok ka muna sa opisina ni boss, may dapat siyang sabihin sayo." "Okay, thank you." Kumatok siya bago buksan ang pinto. Maaga ata ang boss niya ngayon, nagbabasa na nga ng file. "Good morning sir." "Morning." "Ano po ang dapat nating pag-usapan?" Binaba nito ang hawak na folder at tumingin sa kanya, pero ang noo nito ay unti-unting kumukunot. "Your lips." Hinawakan niya ang labi niya. "Bakit sir?' "May sugat ka sa gilid ng labi. Saan mo nakuha 'yan? Wala naman 'yan kahapon." Nagsalubong ang kilay niya. Natandaan pa talaga ng boss niya ang itsura niya kahapon na walang sugat sa gilid ng labi, napakamatandain naman nito kung ganun. "Nasabit sa bote ng sofdrinks." Kumunot ang noo nito at tiningnan siya na parang... are you okay baliw ka ba? "Kailan pa nakasugat ang bibig ng bote ng softdrinks? "Pag may basag." "Sa mismong bibig ka ng bote uminom kahit alam mo naman ng basag ang bote. Are you serious?" "Sa takip talaga ng bote sir kaya ako nagkasugat." "What did you do?" "Kinagat ko sir pinambukas ko ang ngipin ko." "Ang tibay naman ng ngipin mo kung ganun, pero hindi ang labi mo." "Malamang sir malambot ang labi ko." "Can I try it?" Kumunot ang noo niya habang tinititigan ang boss niya. "Anong sabi mo sir?" "I said come here." Nalilito man ay lumapit siya sa harap ng table nito. "Nadatnan mo naman ang secretary ko na aalis na nasa labas?" "Yes sir." "Ituturo niya sayo kung ano ang dapat gawin, hanggang sa file na gusto kong naka-arrange bago mo dalhin dito sa opisina ko. For now pakikinig muna ang dapat mong gawin, bukas ka pa talaga uupo sa labas at magiging final secretary ko until you decided to quit." "Okay, sir. Labas na po ako." Tumango naman ito. Kaya lumakad na siya papunta ng pinto. "Wait, Sunny." Napahinto siya, infairness pag ang boss niya ang gumamit ng pangalan niya maganda, pero pag si Apollo puro sakit sa ulo ang nakukuha niya. Lumingon siya. "Bakit sir?" "Masyadong mababa ang neckline ng suot mo, ibotones mo dahil nakikita na ang cleavage ng hinaharap mo." Napahawak naman siya sa dibdib niya at kinuyom ang kamay para hindi makita. Hindi niya napansin iyon kanina, humarap pa naman siya sa salamin bago umalis ng bahay. "Sorry dir... aayusin ko na po." "Diyan mo na lang ayusin bago ka lumabas ng opsina ko." Tumalikod siya at humarap sa pinto. Binutones niya ang damit hanggang leeg na niya para sure. "Labas na ulit ako sir." "Okay." Paglabas niya ng opisina ng boss niya ay napatampal na lang siya sa noo niya, nakakahiya rin 'yon, pero masyado namang bulgar kung mag-pin point ang boss niya. Sasabihin talaga nitto kung ano ang mali hindi man lang gumamit ng word na medyo disente. Napailing na lang siya at lumapit sa secretary ng boss niya. "Hi. Okay na, nakausap na ako ni sir." "Okay. Simulan na natin, hanggang ngayong araw na lang ako para turuan ka." "Sure." Umupo siya sa tabi nito para makinig at isulat ang dapat niyang matandaan para hindi niya makalimutan. Hindi naman puwedeng puntahan pa niya o tawagan ang dating secretary ng sir niya para magtanong dahil hindi siya masyadong nakinig dito. Bukas talaga ang tenga niya habang patuloy itong nagsasalita. Maging ang papers na sinasabi ng sir niya na dapat ay naka-ayos bago dalhin sa opisina nito ay pinaliwanag sa kanya. Sobrang dami at kung hindi niya isususlat 'yon, magkakandabuhol-buhol sa utak niya lahat 'yon. Unang trabaho ay baka pumalpak pa siya. "That's all. Nakuha mo bang lahat?" Tumango na lang siya kahit hindi siya sigurado. "You can call me here. "May binigay itong phone number sa kanya na nakasulat sa papel. "Pag may hindi ka naintindihan o may hinahanap kang file na hindi mo makita agad ay tumawag ka lang. Siguro for one week ay matatandaan mo na iyon." "Sige. Thank you." "Balik muna ako sa trabaho ko for the last time. Wala bang sinabi sayo si sir kung uuwi ka na pagkatapos kitang turuan?" "Wala e." "Tanungin mo siya baka may ipagagawa na sayo." Tumayo siya at bumalik na naman sa tapat ng pinto ng opisina ng boss niya, kumatok siya ulit at pumasok, pero kumunot ang noo niya nang may makitang konting pagkataranta sa pagkuha nito ng file. Hindi ba ito nagbabasa ng kumatok siya? "Yes?" "Tapos na pong ipaliwanag ng secretary mo ang lahat. Puwede na ba akong umuwi?" "No." "Ano pong gagawin ko ngayon?" "Just stay here." Tumingin siya sa paligid. "Saan sir dito sa loob ng opisina mo?" "Nakikita mo ba yung tuktok ng building na 'yon?" Tumingin siya sa labas ng opisina nito dahil kita ang ibang building. "Yes sir." "Kung gusto mo doon ka mag-stay. Nagtatanong ka pa. Pag sinabi kong stay here, dito 'yon sa loob ng opsina, Sunny." Napangiwi siya at medyo natanga ng konti. "Sige sir uupo na ako." Lumakad siya papunta sa sofa nito at umupo. Titingnan lang ba niya ang ginagawa ng boss niya hanggang sa oras na para umuwi? Sumandal siya sa sofa at tiningnan nag ceiling ng opisina nito. Maganda, at may design pa. "Sunny." Agad siyang napabalikwas ng tinawag siya ulit ng boss niya. "Bakit sir?" "Halika sandali dito." Binaba niya ang bag niya sa sofa at lumapit sa harap ng table nito. "Hindi diyan, dito sa tabi ko." Gumalaw ang mata niya at tumingin sa gilid nito habang nakakunot ang noo. "Narinig mo ba ako? Ang sabi ko dito sa tabi ko." Asiwa naman siyang ngumiti bago lumapit sa boss niya. May nilahad itong papel. "Basahin mo nga ito, hindi ko mabasa e." May salamin naman itong suot. Bakit hindi niya mabasa? "A... sir anong saysay ng salamin mo kung hindi mo mabasa 'yung mga salita diyan sa papel?" Napahinto ito at seryosong tumingin sa kanya. "Kinokontra mo ba ako? I'm your boss." Napakamot siya sa kilay niya. Kasi naman kung wala itong salamin sa mata ay okay lang, meron kasi e, kaya napansin niya. Yumuko na lang siya at binasa ang naka-print sa papel. Sinusundan niya ang tinuturo nito at binabasa, pero nagtaka siya ng lumulundag ang daliri nito sa ibang salita. "Sir, bakit parang..." Hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang lumingon siya dahil nakatitig na ito sa kanya ngayon. "Sir?" Nakatitig pa rin ito, kaya tumayo na siya at susubukan na sanang lumayo, pero hinuli nito ang kamay niya, hinila niya iyon pero ayaw bitawan ng boss niya. "Kamay ko... sir" "Wait... namamanhid yung paa ko, kailangan ko ng mahahawakan." Kaya pala tumitig sa kanya at kung saan-saan napunta ang daliri nito sa papel. Namamanhid pala ang paa, akala niya kung ano na. "Meron namang hawakan 'yang upuan mo sir." "Una kong nakita yung kamay mo e." Hinintay niyang mawala ang pagkamanhid ng paa nito. "Ano sir? Okay na, wala na ba?" "Meron pa." "Ang tagal namang mamanhid ng paa mo sir." "I don't know, pero mas matagal siya ngayon." "Baka may sakit ka na sir, kaya ganyan, ipa-check mo kaya." "Okay lang ako, waa akong sakit, namanhid lang talaga." "Ang tagal a." Sinamaan naman siya nito ng tingin kaya umiwas na lang siya, pero sa pagtayo niya ng matagal at may mataas pang takong ang sapatos niya parang maging ang paa niya ay mamamanhid. "Sir, parang mamamanhid din ang paa ko, kaya ano okay na ba?" Tinataas-baba niya ang parehas niyang paa para hindi magtuloy, pero wala na tuluyan ng namanhid. Nanlaki ang mata niya ng hinila ang kamay niya ng boss niya at napaupo sa kandungan nito, Para siyang tinuklaw ng ahas sa pagkabigla niya. Nakatalikod siya ngayon sa boss niya habang nakaupo sa hita nito. Hindi naman siya makaalis dahil namamanhid na nga ang parehas pa niyang paa. Hindi talaga siya gumalaw dahil bahagya siyang nakaupo sa alaga ng boss niya. Sinubukan niyang umusog papunta sa hita nito, pero huwag na lang nagagalaw din ang mga paa niya e, kailangan niyang mapunta ang bigat niya sa pagkakaupo ng mawala agad ang pagka-manhid niya sa mga paa. "I think, ba balik ang pagkamanid ng paa ko dahil sayo." Umirap siya, hindi naman nito nakikita e. "Bakit kasi hinila mo ang kamay ko sir? Puwede namang sa sofa na lang ako umupo kung binitawan mo na ang kamay ko." "Mas malapit na rito kaya kita hinila." Kung titingnan sa harap mukha silang may ginagawa na hindi maganda. Hinapit siya ng boss niya at talagang inupo siya sa mismong alaga nito. "Malalaglag ka kung diyan ka lang mauupo sa hita ko." Inikom at napapikit siya ng unti-unti ng nawawala ang manhid, mas lalo pang nakaka-ano ng katawan pag pawala na e. Napakapit siya sa gilid ng upuan ng boss niya. "Pawala na ba. Tingnan ko nga." Dinunggol ng paa nito ang paa niya kaya mas lalo pang napahawak ang kamay niya sa gilid ng upuan. "Ano ba sir! Nakita mong namamanhid pa ang paa ko, kaya pabayaan mo muna ako sandali. Hinayaan kita kanina kaya hayaan mo rin ako ngayon sir." "Tiningnan ko lang kung meron pa." "Aalis ako sa kandungan mo kung wala na, pero meron pa kaya tigilan mo muna ako!" "Okay." Konti na lang makaka-alis na siya sa kandungan ng boss niya. "Pero ang bango mo, Sunny." Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Naramdaman niyang lumapit pa ang katawan nito sa likod niya. "Ano ang brand ng pabango mo?" "Mumurahinn lang 'to sir, kaya lumayo ka ng konti sa katawan ko." Pero lumapit pa talaga ng husto. "Kahit hindi branded mabango pa rin." "Oo na mabango na siya, kaya lumayo ka sabi e." "Oh sorry. "Tumawa pa ito habang lumalayo ang katawan nito sa likod niya. Okay na siguro ang paa niya kahit meron pa. Tumayo na siya at muntik pang mabuwal dahil mabilis siyang tumayo. "Bumalik ka na sa sofa at maupo doon. Kung ano ang oras ng uwi ko ay ganun rin ang oras ng uwi mo." Nagsalubong ang kilay niya. "'Di ba same lang ang time ng pag-uwi ng mga empleyado, sir? Nasasayo lang sir kung magtatagal ka dito." "Yes, pero secretary kita at wala ka naman sigurong asawa?" "Binasa mo ba talaga ang bio data ko sir? Dapat alam mo na 'yon dahil nakalagay do'n ang single, not married." "Nakalimutan ko na." "Kahapon lang 'yon sir. Paano mong nakalimutan kaagad?" Naningkit ang mata nito. "Umupo ka na nga do'n sa sofa. Unang araw mo ang dami mo ng napapansin sa akin." "Nagtanong lang ako sir dahil dapat kasi alam mo e." "Pag bilang ko ng tatlo at wala ka pa sa sofa, may gagawin ako sayo na sigurado ako na masasarapan ka... isa.." Isa pa lang ang nasasabi nito ay tumakbo na siya sa sofa at inakap ang bag niya habang nakatingin sa boss niya na nakabusangot na ang mukha habang kinukuha ang papel habang inis na inis, bago ulit magsimula ay tumingin muna ito sa kanya ng masama, siya naman ay ngumiti na kita ang ngipin kaya mas lalo itong nainis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD