Nang matapos ang meeting ay inilibot ni French ang mga magpipinsan sa bahay. Hindi naman ako nag-atubiling pumunta na sa kwarto ko. Isasara ko na sana ang pintuan nang may biglang tumulak dito. Nanliit ang mga mata ko nang makita si Luke na nakatayo sa b****a ng pintuan ko. Seryoso ang mga mata niya habang tinititigan ako. “What’s your problem?” I asked him when he invited himself inside my room. Isinara niya ang pintuan ang humalukipkip sa harapan ko. “Don’t smile at any of my cousins.” Aniyang seryosong seryoso. Lalong nanliit ang mga mata ko sa kanya. “What’s wrong with that?” I asked. “Ayaw mo n’on? Friendly ako sa mga pinsan mo?” Suminghap siya at tumitig sa akin. “It’s enough that you’re friendly with me, Deonna. You don’t need to be friends with my cousins.” Matigas ang pa

