Chapter 1

1349 Words
Chapter 1 Simple Sinigurado kong mabilis ang kilos ko. Ipinuyod ko nalang iyong buhok ko at sinakbit ang blazer ko. I took one last look at the mirror before heading out the dressing room. "Oy. May family dinner." Tukso ni Iara sa akin. Nadistract na naman ako sa buhok nyang kulay blue. "Dinner lang, walang family." Sagot ko sabay ngiti. Inabot na nya sa akin iyong duffel bag ko. I say my thank you's before walking towards Rocky. She's currently looking at my pictures. "Galing ba kumuha ng pictures ni Mark? Naiinlove ka na uli?" She groaned. "Oh please!" Umirap pa na ikinatawa ko. "Umalis ka na nga at kanina ka pa inaantay ng mag ama mo." Dahil sa sinabi nya ay mabilis akong napabaling sa pwesto nina Eris at Zk. Nakaupo sa isang monoblock chair si Eris habang nakatayo sa harapan nya si Zk na wari mo'y may ikinekwento sa ama nya. Mataman naman nakikinig si Eris. One thing I noticed. Eris Jon is very attentive when it comes to Zk. Walang palya. Kapag nalalamang nadapa ang anak, minsan nagiging OA na sya at dadalhin pa sa ospital. And Zk being spoiled by his father. Iiyakan nya ito. Kinausap ko na din si Eris tungkol dito. Sabi ko, huwag ispoil masyado si Zk kasi hahanap hanapin iyon. Isang gabi, nagulat kami pareho kasi nagising si Zk nang madaling araw. Iyak ng iyak and he's asking for his father's presence. I tried giving him some milk and cookies pero mas lalong umiyak. So I have no choice but to bugged Eris Jon. Hiyang hiya nga ako pero as long as si Zk ang involve walanv dalwang isip daw syang pupunta. Mahal na mahal nya si Zk. Nakikita ko naman. At sobrang mahal din sya ng anak ko. Minsan gusto ko nalang magtampo kasi parang mas malapit pa si Zk kay Eris kesa sa akin na halos araw araw nyang kasama. Ang kaso, lambingin lang ako ng anak ko, bumibigay na ako. "Zk! May ibibigay si Tito Mark sayo, halika." I saw Mark waved at Zk. Tumakbo si Zk papunta sa kanya. Inayos ko naman ang mga dala ko bago ko nasalubong ang naninimbang na pagtitig ni Eris sa akin. I suddenly feel unconcious because my tummy is showing over my tube top. "Dito na ko, Rocky." "Sige." She shoo away. Lumakad na ako patungo sa pwesto ni Eris. Tumayo sya at handa na akong salubungin kaso umiling ako. He stopped infront of me. "Need help?" Umiling ako. "Magaan lang to." Isang marahang tango ang ginawad nya sa akin. I smiled at him. "Zk, let's go!" He shouted at his son. "Wait Papa!" Zk shouted back. Halos mapapitlag ako sa paghawak ni Eris sa siko ko. Electricity travelled in my system like a wild fire. Parang tulad lang ng dati. But I had to stop it before it hit my whole system. Tila parang naramdaman ni Eris ang gulat ko kaya mabilis nyang binitawan ang siko ko. "Sorry." He said. "There's Zk. Come here, baby." "Look Papa, Tito Mark got me small camera!" Ani Zk habang winawagayway ang camerang laruan sa harapan namin. "Nagthank you ka, anak?" Paalala ko. "Opo, Ma." "Come. Gutom ka na diba?" Ani Eris bago inabot ang kamay ni Zk. Hunagikhik si Zk. "Eh, ikaw iyong gutom na Papa diba?" I just can't help smiling as I watch them both. Sobrang close kasi nila sa isa't isa. "Mama... lika na po." "Oh! Sorry, I spaced out." "Are you okay? Baka pagod ka na." Tinapik ko ang tiyan ko. "Gutom na kamo. Halika na." Eris chuckled. "After you..." Napailing ako kasi pareho nilang nilahad ang mga kamay nila na parang prinsesa akong dapat mauna sa paglalakad. *** Sa Rojets kasi napadpad kasi halos sarado na ang mga restuarant. Zk was clapping in joy as he saw some chicken. Katabi ko si Zk sa upuan pero si Eris itong abala sa pagpupunas nang amus sa mukha ni Zk. Hinayaan ko nalang sya. At pagkatapos namin ay nagyaya pa si Zk sa toy store. "Isang toy lang ang pwedeng bilhin," paalala ko. "Pero..." he pouted. "It's okay buddy. You can buy two toys." Pumalakpak si Zk at nagtatakbo na papasok sa loob. Sumunod kaming dalawa but I stopped Eris by his arms. "Eris, you're spoiling him again. Diba sabi ko?" "Relax, Sinag. He's a Lausingco, he deserve to have eveything." Kalmante nyang sagot. Umismid ako. "Please... ayokong madala mya iyon sa paglaki." "Hindi mangyayari yun. Just trust me." Di ako sumagot. Nagpatiuna nalang ako sa pagsunod sa anak kong hindi na magkandaugaga sa pagtingin sa mga laruan. Panay nyang pinapakita iyong mga laruan sa harapan nya. Pero sinesenyas lang ni Eris ang dalawang daliri nya. Matalino si Zk, kinikilatis nyang mabuti ang mga laruan bago sya nakahanap ng dalawa. Pinanuod ko lang silang dalawa. "Ang cute ng pisngi." Ani noong cashier. "Gwapo po ng anak nyo. Swerte nyo pong mag asawa." "Ah, hindi kami mag asawa." Sagot ko agad. Napakurap iyong babae at nakita kong siniko sya noong isa pa. Nginitian ko nalang sya para hindi nya maisip na napahiya sya. At nang maglakad na kami pabalik sa sasakyan ni Eris, napansin kong tahimik na si Zk. Siniko ko si Eris, sabay kaming napabaling kay Zk. "Hey buddy?" Tawag pansin ni Eris kay Zk sabay thumbs up. Umiling si Zk at binitawan na ang dalawang laruan. Mabilis ang flex ni Eris sa pagsapo sa anak nyang halata na ang antok sa mata. Dinampot ko iyong mga laruan nya at sumunod sa dalawa. "Mama..." "Yes anak?" Nginitian ko sya. Pumikit sya at inabot ang pisngi ko. "Pwede po ba tayong matulog kina Papa ngayon?" Antok na ang boses nya. Simpleng hiling lang ni Zk iyon pero hindi ko alam ang dapat na isagot. I heard Eris deep sighed kaya napalingon ako sa kanya. "He kept on requesting that. Tyaka bakit daw dalawang bahay lagi ang pinupuntahan nya." "Anong sagot mo?" Tanong ko. Pinatunog na nya ang sasakyan. "Na mas maganda pag maraming bahay kaya dapat magpasalamat nalang sya kay Papa Jesus." Sagot nya sa paos na boses. "Pero pagkatapos panay nyang tinatanong kung pwede ka ba daw sumama sa kanya kapag natutulog sya sa mansyon." Tila parang may humaplos sa puso ko nang tignan ko ang anak ko. Nilapag ko na ang mga laruan sa back seat at inabot si Zk kay Eris. Maingat akong naupo sa passenger seat. Eris started the engine before I heard my phone ringing. Christian Calling... Mabilis kong sinagot iyon dahil baka magising ang anak ko. [Hey baby...] "Hi. Musta?" [Tired. I miss you already.] "I miss you too." Ngiti ko sa sarili ko at inalo si Zk. "Magpahinga ka na. Alam kong may jetlag ka." [Patulog ka na? How's Zk?] "Pauwi palang. Ihahatid na kami ni Eris. Magrequest kasi itong si Zk ng dinner. Hindi ko mahindian." [Kayong dalawa lang?] Napalingon ako kay Eris na tahimik. "Kasama namin si Eris." There was a long paused at the other line. "I love you, Christian. Let's talk again tomorrow, okay. I know you're tired already." [Okay. Ingat kayo, text mo ko kung nakauwi na kayo. I love you too.] "Aye." Nakaflaster pa din ang ngiti sa labi ko nang magtapos ang tawag... "Sinag," Eris called me. Bumaling ako sa kanya at nakitang seryoso sya. "Hmmm?" I answered while hugging Zk. "Are you happy now?" Paos na paos ang boses nya. I bit my lower lip. Masaya ako. "I guess so. Why?" Huminto sya gawa ng trapik sa unahan namin. Eris Jon look at me. Iyong emosyon sa mata nya, hindi ko kinaya. Kaya napahigpit ang yakap ko kay Zk. "Ask me if I am happy.." mahina lang iyong pagkakasabi nya. "Eris, happy ka ba now?" He looked straight to my eyes. I swllowed hard, nanlamig din ang kamay ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. "Siguro hindi. Pero susubukan kong maging masaya dahil masaya ka namam sa kanya." Simple nyang sabi pero bakas ang pagiging seryoso. Umiwas sya ng tingin pagkatapos sabihin iyon at kinabig na ang manibela. I close my eyes. Please, Eris... stop it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD