Chapter 17
We were both silent after what happened last night. Not really silent, siguro ilang? Or ako lang nakakaramdam noon dahil sya ay parang wala lang. Sweet pa din sya tulad ng dati.
"Mama called, hindi na daw sila susunod." Aniya matapos kong bihisan ng pangswimming si Zk.
"Akala ko susunod pa? Bakit daw?"
Kumibit balikat sya. "Sabi moment daw nating tatlo ito."
I just nodded. Mabilis kong iniwas ang mata ko sa kanya. Ayan na. Nararamdaman ko na naman ang ilang, though hindi ko naman dapat talaga maramdaman iyon. Pero...
"Magswim na tayo, Mama?" Hinarap ni Zk iyong mukha ko sa kanya.
"Oo anak, wait lang ha."
Ngumuso iyong anak ko sabay tumango tango. Maya maya pa ay naningkit ang mata nya.
"Nagbite ka ng mosquito, Mama?"
My eyes widen as my son touch my neck. Pinisil ko ang ilong nya.
"Ikaw talaga. Ubusin mo na iyong gatas mo dun, pagkatapos swim na tayo."
Tumakbo sya sa kusina. Imbis na ipuyod ko ang buhok ko ay inilugay ko nalang iyon. Si Emoji kasi, nag iwan ng bakas ng kagabi.
"You okay?" He asked.
Tumayo ako at inayos ang suot kong red halter top.
"Oo naman."
Humalukiphip sya sa harapan ko. And he started to eyed me.
"Stop staring." I murmured
He cleared his throat and step forward infront of me.
"Sinag..." ramdam ko ang buntong hininga nya. "About what happened last night... I hop--"
"Pareho nating ginusto yun. Don't worry, you shouldn't be sorry." Putol ko sa kanya.
"I wasn't going to say sorry. Gusto ko lang i-klaro na hindi mo pinagsisihan iyon." Seryoso nyang sabi na titig na titig sa mata ko.
"Kakasabi ko lang diba, pareho nating ginusto yun. Tyaka it's just s*x, para namang wala tayong anak nan." Sinabayan ko pa iyon ng tawa, pero seryoso talaga sya.
"I make love with you, it's not just plain sex."
Natigilan ako. "Okay. Bakit ang sungit mo?"
Emoji pouted. "I wanted to kiss you right now but.." sumulyap sya sa cellphone nya at napabuntong hininga.
Seconds later, we both heard a knock. Hindi lang basta katok kundi gigibain ata iyong pinto. Mabilis ngang napatakbo si Zk sa akin at yumapos sa binti ko.
"Ano nangyari po, Mama?"
Kinamot ni Emoji ang ulo nya bago pinagbuksan ang pinto. Bumungad doon ang Lausingco Clan with Rain, napatalon nga si Zk sa tuwa nang makita iyong mga Tito at Tita nya.
"Naks, happy family." Shinubo teased. Sinimangutan lang sya ni Emoji.
"Smile, Kuya. Parang ayaw mo kaming nandito ah." Si Emerald na may paghalakhak pa.
"Nakaistorbo ba kami sa pre-honeymoon?" Pio said with a qoutation finger.
"Hindi." Pekeng ngumiti si Emoji. "Ang saya ko nga eh. Gusto ko kayong ipaban dito."
Kaso hindi na ata sya narinig ng mga pinsan at kapatid dahil inaya na ni Zk ito doon sa labas. Lumingon sya sa akin at ngumuso. Natawa ako.
"Kailan pa sila?"
"Kagabi. Tss, bakit kasi ang bait ni Mama?"
"Yaan mo na. Ang saya kaya ni Zk, may mga kalaro na sya."
Umirap pa sa hangin. Tinawanan ko lang kaso mabilis akong nabuhat at binagsak sa kama. Tumili ako sa gulat.
"Hoy, lumabas na tayo."
"Let's stay here for a while. Hindi naman mapapahamak ang anak natin." Mahigpit nya akong niyakap. "I just want to cherished this before it last."
"Ang corny na." Hinilamos ko ang palad ko sa mukha nya.
Bumukas ang pinto kaya ang bilis kong tumayo. It was Emerald.
"Halina kayo. Mamaya na iyang labing labing, Kuya!" Nakangisi sya.
"Sabay na tayo." I clung my arms on Emsi's arm.
"Kuya?"
"Susunod na ko."
Hinila ko na si Emsi palabas. Panay nga syang tumatawa.
"Ang cute talaga ni Kuya." Kumento nya pa. "Anyway, how's the vacation? Sa amin na binigay ni Mama iyong accomodation kasi naisip nyang moment nyong tatlo pero syempre, mas masaya kung kasama kami."
"Mas okay na din na nandito kayo."
"Ano balita?" She teased. Umiling lang ako.
No way in hell na aamin akong may nangyari sa amin ni Emoji kagabi, huwag lang talaga nilang makikita ang ebidensya sa leeg ko. Nakuu. Hot seat panigurado.
May reservation si Zild sa isang restuarant doon. Sakop namin ang buong malaking table. Sumunod din pala iyong girlfriend ata ni James Michael at sa tingin ko naman ay mukhang ayos na sila nina Rain.
"Bagong girlfriend mo?" Tanong ni Shinubo sa kapatid.
Natawa si James Michael at umiling sabay tapik sa braso nung babae.
"Jamaica." Pakilala nya habang naka-akbay. "Co-director ko and kaibigan din."
Kinamayan namin sya. Pagkatapos ay binalingan ko si Zk na nakaupo sa pagitan ni Shinubo at Emsi.
"How's life?" Zild asked me.
"Okay naman. Ikaw? Tagal mong nawala ah."
"I visit Mama Cynthia. Simula daw ng nagpasya akong bumalik dito sa Lausingco ay hindi na ako bumisita sa kanya."
"At binisita mo din iyong mini gro. Balita ko, lalong lumalakas yun at may branch na kayo sa Pasay. Congrats!"
Zild just smiled. Pinisil nya pa ang pisngi ko.
"Anyway, anong balita? I heard from Lola Yolly na gustong gusto nya kayong ipakasal ni Ej. Pumayag ka?" Tumawa sya. "At teka, hindi ka papayag kasi may Cristian ka. Kamusta kayo? Getting strong?"
Umiling ako. "Wala na kami."
Ngumisi sya. "Oh! I can hear wedding bells."
"Naku, mukhang malabo."
"Ayaw mo na talaga?" Zild carefully asked.
Safe tayo, hindi ako sumagot at hindi din ngumiti. Zild stared ate me, bago sya ngumisi. Sumipol pa bago humigop sa vape nya.
"Playing safe, Sinag?" He teased me. Umayos ako ng upo. Bumaling sya uli sakin.
"We're friends, Zild.. for Zk."
Natawa sya bago kumibit balikat at humarap sa tanawin. Maya maya pa ay nakita kong may pumasok na babaeng kulay blue ang buhok.
"Iara!" Shinubo shouted.
Halatang nagulat si Iara at muntik pang matapon iyong kapenh dala nya. Tumayo si Shinubo, hindi naman sya binigo ni Iara at lumapit.
"Ang masamang hangin ang nagdala sayo dito?" Bungad ni Iara sa kanya.
"Kasama ko mga pinsan ko. Ikaw?" Bumaba ang tingin nya sa kape. "May hangover?"
"Hindi. Para kay Mayami to. Lasing na lasing kagabi." Sagot ni Iara.
I feel Zild stiffed. Nagkanda-ubo ubo pa nga sya. Agad ko namang hinimas ang likod nya.
"Nagdadrama na naman ba si Mayami?" Shinubo asked.
Di ko kilala kung sino iyong pinag uusapan nila. Naputol lang ang pagtitig ko kina Shinubo nang may malamyos na boses ang tumawag sa pangalan ni Emoji.
"Ej! Hi! What a surprise?"
"Myrthel? Akala koay shooting ka today?" Zild was the one who spoke.
"Hi Zild, oo nga. Nagstop over lang kami dito."
Ngiting ngiti si Myrthel habang lumalapit kay Emoji. While Emoji, tipid lang syang ngumiti at pinagpatuloy ang pagkain nya. Binati ni Myrthel ang lahat ng Lausingco, bago sila nagyakapan ni Emsi.
"Nandito pala kayo. Sana dito nalang iyong photoshoot." Ngumuso pa sya.
I can't help watched her talk and the way she moves, prim anc popper. Maganda ang hubog ng katawan mi Myrthel, in short maganda talaga sya.
Nilapitan na nya si Ej at hinalikan sa pisngi. Walang reaksyon si Emoji, pero ngumiti sya. Pabiro namang tinakpan ni Zild iyong mata ko at tumawa sa tenga ko.
"Huwag mo nang titigan, masasaktan ka lang."
"Masasaktan bagang." Siniko ko sya.
Inaya ni Emsi na sumalo si Myrthel sa amin. Pinakilala nya si Zk na willing namang niyakap ni Myrthel at pinisil ang pisngi. Ngumiti si Zk at binati iyon.
"Si Zild nga pala iyon. Iyong katabi nya, Si Sinag, iyong mommy ni Zk." Turo pa ni Emsi sa pwesto namin ni Zild.
Nagkatitigan kami ni Myrthel. I smiled at her and offered my hand.
"Sinag, nice to meet you."
"Hi. Ikaw iyong nagmodel nung mga wedding gown ni Adie, right? Nice to meet you personally." We shook our hands. "Isa ka din sa ex ni Ej Lausingco, at may anak kayo?"
Umiling ako. "Hindi naging kami. May anak lang, but we're friends don't bother."
Myrthel nodded bago permanenteng umupo sa tabi ni Emoji. I saw Eris shoot me death glare, ako nalang iyong umiwas ng tingin.
"Myrthel seems to have host for Ej. Lapitin ng mga modelo." Sinundan ni Zild ng tawa iyon.
Hindi ako nagreact, tinaasan ako ng kilay ni Zild. Myrthel seems to be really fond of Emoji. Panay lamg naman ang tango ni Emoji sa kanya.
After a minute ata nang magpaalam si Myrthel, gusto nga nyang i-cancel ang shoot pero mukhang nahiya dahil kaharap ang CEO at Vice President ng Lausingco Hotels.
Isa isa nya kaming nginitian. Tipid na ngiti ang sinukli ko sa kanya. Pagka-alis ni Myrthel ay syang kanya kanyang kumento ang binigay ng mga Lausingco sa kanya.
"Hindi ka, na-develop, Ej?" Pio asked.
Umiling si Emoji at inabutan ng tissue ang anak na sarap na sarap sa pagkain.
"Ano ka ba naman, Pio? Bakit madedevelop yan ay iyong nanay nga ni Zk ang gusto." Tumatawang sabi pa ni Earl. Nakatanggap tuloy sya ng sapok sa kapatid.
Matapos nang pagkain ay pinagpaalam nila si Zk na isasama sa pagswimming nila. Sumunod din naman ako, lahat sila ay nauuna. Kapagkuwan ay lumingon sakin si Emoji. Tinagilid nya ang ulo nya, maya maya ay nilahad ang kamay nya sa akin.
He smiled. Humawak ako dun, marahan nya akong hinila palapit sa kanya at niyakap sa baywang.
"Are you okay? I'm sorry for that." Aniya.
"Sorry san?"
"About Myrthel."
"Okay lang. I see no harm."
Saglit syang tumitig sakin. Iniwas ko ang mata ko sa kanya, mabilis nyang sinundan iyong mailap kong mata.
"Gusto kong magselos ka uli, Sinag..."
"Eris..."
"You're jealous." His eyes twinkled. Inirapan ko sya. "No need to be jealous, Sinag. You're still the one, remember that."
"I know..." I breathe.
Mas lumawak ang ngisi ni Emoji, and he lightly pinched my side waist.
"Masaya ako ngayon..." bulong nya pagkatapos dampian ng mababaw na halik iyong gilid ng noo ko.
Masaya din ako, Emoji. Ayan, marupok na naman.