Chapter 19

1709 Words
Chapter 19 Kinawayan agad ako ni Eli nung pumasok ako sa restuarant kung nasan sya. Kasunod ko lang si Emoji kaya alam ko na agad ang naging reaksyon ni Eli nang masipat nya iyong nasa likod ko. "Akala ko kasama mo si John?" Tanong ko matapos kong halikan ang pisngi nya. "Ah no. May biglaan syang kailangang asikasuhin." Binalingan nya si Emoji na nakaupo na sa tabi ko. "Ej! Nagiging bodyguard ka na naman ni Sinag." Kinalabit ni Emoji ang pisngi ni Eli. "Gumaganda ka ah." Umismid si Eli. "Syempre. Sabi ko naman kasi sayo, mas maganda ako kay Sinag." Natawa ako. Pero seryoso, hiyang nga kay Eli ang pagbubuntis. "Okay lang sayong malaki ang tiyan ikasal?" Tanong ko. "Yup. Hindi pa naman gaanong malaki at halata. Gusto ko lang ikasal agad, baka kasi magbago pa ang isip ni John." "Magbabago pa ba ang isip nun?" Sinimulan ko nang magswipe sa tablet. "Simpleng kasalan lang naman iyon, be. Tyaka iyong sa reception ang gusto kong bongga." Aniya. "Gusto ko ding humingi ng pabor sana kay Adie, diba close kayo?" "Hindi naman totally close. Gusto mo syang magdesign ng gown mo?" Tumango si Eli at sumimsim sa tubig nya. Nakapag-order na din pala sya ng pagkain. "Ako na bahala kumausap kay Adie." Pumalakpak si Eli sa sinabi ko. "Two months from now ang kasal diba?" "Yes. Excited na ko." Nginitian ko sya. I'm really happy for my friend. Finally, naisipan na nyang magsettle down. Hinayaan kong kumain si Eli matapos nyang sabihin ang mga gusto nya para sa reception ng kasal nya. Kare kare at pakbet ang inorder ni Eli at grilled liempo. Ilang saglit pa bago ko naramdaman ang paglapit ni Emoji sa akin, dinantay nya ang braso nya sa likod ng upuan ko. Pekeng umubo si Eli sa harapan namin. "Pasintabi naman at nandito ako." Nakita ko pa ang pag irap nya. "Kayo na ba?" Nagkatitigan kami ni Emoji, kapagkuwan ay ngumisi lang sya kay Eli. Binato sya ni Eli ng crampled tissue. "Ayan! Ikaw Emoji, marupok ka din! Akala ko ba ayaw mo na ipush?" "Mahal ko, Eli." Simpleng sagot ni Emoji na parang wala lang pero iyong puso ko kumalabog na sa dibdib ko. "Sus, dati naman hindi." "Feelings change." Sagot uli ni Emoji. "Kundi pa mawawala sayo, hindi mo makikita ang halaga." Makabuluhang sabi ni Eli. Matapos ng dinner ay hinatid na namin si Eli sa kanila. Hindi daw kasi sya masusundo ni John. Pinaalala nya lang iyong gagawin aa reception. "Emoji." Kinurot nya iyong tenga ni Emoji. "Salamat, ingat kayo." "Ingay ka din paglalakad." Paalala ko sa kanya. Kumaway lang sya at tinaboy na kami. Nagmaniobra si Emoji ng sasakyan nya palabas ng kalye nina Eli. Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa bahay. --- Four days bago ang mismong birthday ni Lola Yolly. Ayos na ang lahat para sa gaganaping engrandeng birthday. Sinabi ko na din kay Lola iyon. Si Pio ang magluluto ng pagkain pati si Tita Libby. Ayos na ang lahat pero itong si Emoji, biglang naging cold. Hindi ko alam kung bakit kasi nitong nakaraang araw, ayos naman kami. Pero kahapon, hindi sya nagpakita sa akin. Hindi nya din sinundo si Zk sa bahay. Kaya nagtaka ako. I tried texting him too but there's no response. Bigla ay nalito ako sa kinilos ni Emoji, baka may problema sa Hotel. Oo tama, mamaya kokontakin na ko nun. Wala akong trabaho ngayon, bukas pa. Kaya naisipan ko nalang maglaba at mag ayos ng mga gamit naming mag ina. Si Mama kasi madaming tahiin ngayon, si Ate naman nagpresinta sa pagluluto, si Kuya nasa trabaho. Si Papa, kakabisita lang dito kahapon. "Anak, huwag na magkalat masyado." Bilin ko kay Zk. "Opo mama." Kakatapos ko lang sa pag aayos ng mga gamit namin. Sinilip ko ang cellphone ko pero wala pa ding text galing kay Emoji. Busy lang yun. Kaso may dalawang missed call doon galing kay Cristian. Binalewala ko iyon. Kinagabihan, walang Emoji na bumisita sa amin. Hinintay din sya ni Zk kasi ang alam ng anak ko, susunduin sya ng ama para doon matulog sa Mansyon ng mga Lausingco. Pinatulog ko nalang si Zk na humahaba na ang nguso. Kinabukasan, inagahan ko ang paghatid kay Zk sa bahay nina Emoji. Nagbabaka sakaling baka maabutan ko si Emoji pero sabi ni Emerald ay hindi daw umuwi kagabi. Binilin ko nalang sa kanya si Zk at dumiretso na sa trabaho. Panay ko pa ding tinatawagan ang number nya pero ring lang at kalauna'y biglang magiging out of reach na. "Ano bang kaartehan na naman to, Eris Jon?" Bulong ko sa sarili ko. I concentrated on my work. Hirap na, baka madale ako ni Mrs. Verjes. Mamaya ko nalang uli tatawagan si Emoji. Emoji: I'm busy can't talk you now. Halos makagat ko iyong kutsara ko ng mabasa ko iyong text nya. Ako: Okay lg. Sorry sa pangungulit. Sabay kami ni Besty bumalik sa building nang may tangay na turon dahil kakatapos lang naming kumain ng tanghalian. "Ma'am Sinag, kanina pa po may naghahanap sainyo." salubong noong guard sa amin. "Nasan, Kuya?" Tanong ni Betsy. "Nasa lobby po." Pabirong tinulak ni Betsy iyong tagiliran ko. "Anjan na pala si Loverboy eh. Mauuna na ako sa taas." Mapanuya nya pang sabi. Sa hindi malamang kadahilanan ay kumabog ang dibdib ko. Akala ko ba busy? Minadali kong pumasok sa loob. Di ko na nga nakita si Betsy, baka nakasakay na yun sa elevator. Mabilis hinanap ng mata ko ang pigura ni Emoji sa lobby pero natigilan ako ng makita kung sino iyong prenteng nakaupo doon. Kumurap kurap ako. Tila parang naramdaman nya ang presensya ko. Nakangiti na si Cristian nang magtama ang mata namin. Tumayo sya at lumapit sakin. I was in shocked. Niyakap ako ng mahigpit ni Cristian. "I really missed you." He whispered. Nanatili akong walang imik. Lumayo sya sa akin at natawa ng makita ang itsura ko. "Hey, hindi mo ba ako namiss?" "Kelan ka pa dumating?" Tanong ko. "Kagabi. Sainyo nga sana ako didiretso kaso napagod ako sa biyahe kaya ngayon nalang kita napuntahan." "Cristian.." Kinuha nya ang kamay ko at nilagay sa pisngi nya. "I'm real baby.. Ngayon makapapagusap na tayo." He leaned forward to gave a peack on my lips. Di ako nakapagreact agad. He once again hugged my waist. "Marami tayong dapat pag usapan. Pero doon na tayo sa opisina ko." Sabi ko. "Alright. Lead the way." Nagpatiuana akong maglakad papuntang elevator. Nakatitig sya sa akin, habang ako mukhang hindi pa din talaga makapaniwalang nandito sya sa harapan ko. "Parang hindi ka naman masayang makita ako." He slightly pinched my nose. "I really damn missed you.." Tipid akong ngumiti sa kanya at humarap sa papasarang pinto ng elevator. Close enough for me to saw Emoji standing at the entrance of the building. Bago pa ako makapag react at tuluyan nang sumara ang pinto. Emoji... "WHAT DO you want? Coffee?" Tanong ko kay Cristian nang makapasok kami sa loob ng cubicle ko. Wala si Betsy doon. "Yes please." "Sige, upo ka muna." Pumasok ako sa pantry ng tuliro. Buti at tama ang timpla nung kape. Kumuha na din ako ng slice nung dark chocolate ni Betsy doon, mamaya nalang ako magpapaalam sa kanya. Cristian is all smile as he watched me walk near him. "Thank you." Aniya nang mailapag ko na iyong kape at platito. I watched him eat. Hinahanap ko pa kasi ang tamang salita para simulan ang dapat naming pag usapan. Masaya naman akong nandito na si Cristian pero ibang usapan na dahil wala na kaming dalawa. Tyaka si Emoji... "Cristian, diba may apat na buwan ka pa bago umuwi?" "Yes. Humingi lang talaga ako ng one week break para makapag usap tayo. Kasi alam mo, Sinag, hindi ako pumapayag na makipaghiwalay ka sa akin. Gusto ko lang ipaliwanag sayo na sobrang tambak ang projects namin. I was exhausted and I wasn't able to text you or update you with my life there. Alam ko nagkulang ako kaya mo naisip ang makipaghiwalay pero hindi ako papayag, nasa akin ka na. Hindi ko na hahayaang mawala at maagaw ka sa akin ng ganun nalang." "Pero hindi na healthy itong relasyon natin. Malayo ka sa akin, maaaring magkaayos tayo pero iiwan mo din uli ako, tapos babalik na naman ako sa paghihintay kung kailan ka magkakaoras sakin. Ayoko ng ganun, demanding man pero gusto ko nasa akin lang ang atensyon. At alam ko ding pangarap mo iyan at ayokong maging sagabal doon." "Kaya ko namang hatiin ang oras ko, para sayo Sinag." Umiling ako. "Siguro hanggang dito nalang talaga tayo, Cristian. Gusto ko lang din maging mag kaibigan pa tayo kahit hindi nag-work out ang relasyon natin." "Bakit sinasabi mo sakin ito ngayon? May bago na ba? Sino? Si Ej?" Hindi ako umimik. Pagak syang natawa. "Eh gago yun, Sinag. Hindi ka kayang panindigan nun. Kung ako sayo, huwag mo namang hayaang magpadala na naman doon." "Huwag mong husgahan ang isang tao base sa nakikita mo, Cristian." Natawa sya na may pagpalakpak pa. "Sinasabi ko sayo, Sinag. Don't try it with Ej. Papakawalan kita pero huwag kang magpapaloko kay Ej, we both knew him, naka sa huli umiyak ka na naman dahil sa kanya." Buong maghapon kong inisip iyong sinabi ni Cristian pag alis nya. Bukas nalang daw kami uli mag usap kapag nakapag isip isip na akong huwag syang hiwalayan. Ayaw ko mang isipin iyon pero, naiinis ako sa sarili ko. Ako: Nakauwi na pala si Cristian. One week lang daw sya. And we talk. Ako: Kumusta work? Ako: Nasa mansyon si Zk. Bibisita ka ba dito? Matapos kong isend iyon kay Emoji ay bumuntong hininga ako. Lumabas ako ng kwarto at nakita si mama sa harap ng makina nya. Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng gatas sa ref. "Ma, sa labas lang po ako. Papahangin." Tumango si Mama kaya dumiretso na ako sa labas. Papaupo palang sana ako sa may inuupuan ko nang maaninag ko ang puting pick up ni Emoji doon at sya na nakasandal sa hood. Imbes na maupo ay mabilis akong pumunta sa kanya. Pagbukas ko ng gate ay nagsalubong ang mata namin. "Eris.." "I'm sorry," After hearing him say that, tila parang may pumisa sa puso kong isang kamay. He's sorry? What for?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD