Chapter 129 Agata Borromeo's POV Matalim ang mga tingin ko sa kanya habang sumisigaw ito sa sakit dahil mas idiniin ko pa ang dulo ng baril ko sa sugat nito sa paa nang mas lalo pa itong sumigaw sa sakit. Hindi na maipinta ang mukha nito dahil sa ginawa ko pero nag matigas pa rin ito. Ni hindi nga ito humingi ng tawad sa ginawa niya sa akin. "Anu Max, masarap ba ang bala ng baril ko? Nagsisisi ka na ba?" Tanong ko dito gamit ang matigas na tinig at tinanggal na ang baril sa sugat nito. Kahit na nahihirapan na ito dahil nakatali ang mga kamay at paa ay hindi pa rin ito nagsisisi. Bagkos ay sinabi pa nito kung bakit niya ito nagawa. "Mahal kita Agata. Kaya ko lang naman nagawa yun dahil ayoko na mapunta ka sa iba. Simula noon ay minahal na kita at alam mo yun." Wika ni Max sa akin. Ma

