Chapter 6

1033 Words
Chapter 6 Pagkatapos namin mag usap ni Liam ay agad akong nagtungo sa kwarto ko. Nagbihis ako ng damit pambahay at nagtungo sa kitchen namin. Maghahanda ako ng dinner ko, "since wala dito si Liam," kaya no choice ako. "I will cook for myself," marunong na din naman akong mag luto dahit tinuruan ako ni Liam, just incase na ako lang mag isa gaya ngayon. Pagkatapos kong kumain ay agad akong nagtungo sa kwarto ko dahil wala naman akong ibang gagawin. Kinuha ko ang phone ko at nag scroll lang muna sa Social Media Account ko. Habang nag scroll ako ay naagaw ang atensyon ko sa isang ads ng Private Training Center Facility for self-defense. Biglang nagka interest akong sumali, kaya hinanap ko kung saan ang address nito. "I will go there to inquire, tomorrow." I whispered in the air. Pag sisikapin kong makapasok doon para natutunan kong ipagtanggol ang sarili ko at para na rin masimulan ko ang mission ko. The new Agata Borromeo, that no one can defeat, and no one can harm me. And I will start my new life, my new version of me, on protecting myself from the people who wanted to kill me a year ago. Hindi ko namalayan na natutulog na pala ako sa kakaisip sa plano ko habang hawak-hawak ko pa rin ang phone ko... ___________ Kinabukasan ay maaga akong nagising. Sabado ngayon kaya wala akong pasok pero kailangan ko pa rin umalis. Dahil pupuntahan ko ang Private Training Center na nakita ko kagabi sa Social Media. Dali-dali akong bumangon at ginawa ang morning rituals ko. Pagkatapos kung makapagbihis ay naglagay lang ako ng powder at lip gloss at saka kinuha ang backpack ko. Nakasuot lang ako ngayon ng skinny fitted jeans na black at naka crop top na pinaubabawan ko ng hoody jacket na kulay black din. At naka rubber shoes na black din ang soot ko. "Actually! hindi naman halata na favorite ko ang black, kasi mula ulo hanggang paa ay color black lahat, hehehe!" Nang sa tingin ko ay maayos na ang suot ko ay agad akong lumabas ng bahay at ni-lock ko ang pinto. Nag-abang ako ng taxi at nang may dumaan ay sumakay na ako kaagad, sinabi ko rin sa driver kong saan ako pupunta. After one hour ay nakarating na ako sa Lugar na iyon. Agad akong bumaba at nag bayad ng pamasahe kay manong driver. Napatingala ako sa building na nasa harap ko ngayon. "I thought that the Training Center is small," pero mali pala ako, namangha ako dahil malaki pala ito. The building has four floors. And it has a quiet, yet very interesting place. I want to know more about this "so-called Training Center." I murmured. I was mesmerized by the beauty outside the building, at di ko napansin na kanina pa pala ako nakatunganga sa harapan ng Training Center na ito. Ipinilig ko na lang ang ang ulo ko at sinimulan ng maglakad papasok sa building... Pagpasok ko ay mas lalo lang akong namamangha sa loob ng training center na ito. Masasabi kong di Basta-basta ang may- ari ng building na ito. The walls, the ceiling, the floor and even the furniture are shouting in pomp. The color of the whole place sounds powerful, yet gives peace of mind. And it brings to me more to encourage learning how to protect myself and even other people who need help. Masyado na ata akong nasubrahan sa pagmumini-muni at pagpapantasya sa buong Lugar. Kaya di ko napansin na may nakalapit na pala ng lalaki sa kinatatayuan ko. "Excuse me miss, what can I do for you?" saad ng lalaki. Agad naman akong humarap sa lalaking nag salita. Hindi ko alam kung matakot ba ako? Or namamangha sa lalaking kaharap ko ngayon, dahil sa aura na meron siya. Parang feeling ko malakas siya, walang sinasanto at base sa itsura at edad niya masasabi kong bihasa na ito sa pakikipag laban. "I think the age of this man is between 45 to 50 years old." I murmured. "Miss, anu ang ginagawa mo dito? May maitutulong ba ako sayo?" saad ng lalaking naglalaro ang edad sa 45 pataas. "Ah! kasi po gusto ko pong mag inquire dito sa training center na ito. Gusto ko pong matutong makipaglaban, para protektahan ang sarili ko." Pagpapaliwanag ko sa kanya. "Oh! siya hija, maupo muna tayo para di ka mangawit sa kakatayo mo. Hahahaha." sabi ng lalaki habang tumatawa. Hind ko napansin na kanina pa pala ako nakatayo lang dito. Nasakop na ang pag iisip ko sa paghanga sa buong Lugar. "Ay! sorry po, hindi ko na napansin na nakatayo lang pala tayo, hehehe." Sagot ko at natawa na rin. Nagtungo kami sa isang sofa na kulay blue at umupo na sa single sofa. Nang nakaupo na kami ay nilibot ko ang paningin ko at napansin kong walang masyadong tao sa lobby nila. Nagtaka naman ako, pero naputol lang ang pag suyod ko sa buong Lugar ng magsalita ang lalaki. "By the way! I'm Martin Enosencio. I'm the owner of this place. And me I know what's your name?" Pagpapakilala ng lalaking kausap ko. "I'm Agata Borromeo, 16 years old, Sir. " Pagpapakilala ko rin sa kanya. "Oh! Agata, you're too young! Why do you like to learn self-defense? If you would mind, please tell me what your reason is." he said. Nabigla ako sa tanong ni Mr. Martin, di ako makapag salita. Biglang bumalik ang mga alaala ko sa masalimuot kong nakaraan. Sari-saring emotion ang nagbalik ng katanungang iyon ni Mr. Martin. Handa na ba akong ikwento ang nakaraan ko sa ibang tao? Kaya ko na bang harapin ang sarili ko, na hindi na masasaktan dulot ng kahapon? Na pilit kong kinakalimutan. "Am I strong enough to face my problem?" I asked myself. Pero paano ko naman masasagot lahat ng mga katanungan ko, kong di ko susubukan na hararapin ang kahinaan ko... _________________________________________________________________________________________________________________________________________________. Author's note: Hi! guys! I'm back! I hope you'll enjoy reading this chapter. Medyo matagal bago ko masulat ang next chapter sa story na ito. But! Don't worry all readers, I will try my very best to write the next chapter as soon as possible. "GOD BLESS YOU ALL, READERS."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD