Chapter 61 Third-person' POV - Simula ng ma admit si Agata sa hospital ay hindi umaalis sa tabi niya si Liam. Gusto kasi nitong bantayan si Agata at gusto rin nito na pag magising na ang babae ay siya ang unang makikita sa pagmulat ng mga mata nito. Sa unang araw ni Agata sa hospital ay inawitan ito ni Liam para kahit papaano ay maririnig siya ng babae. Kinabukasan, martes ng umaga ay bumalik si John at Jake sa hospital bago pumasok sa trabaho para bisitahin muli si Agata. Nang dumating ang mga ito sa hospital ay agad silang dumiritso sa kwarto na kinaroroonan ni Agata. At tanging si John lang ang nakipag usap kay Liam dahil ayaw ni Jake na makaharap ang lalaki. Hindi rin naman nagsalita si Liam o kausapin man lang ito, dahil ayaw niya rin ng gulo. Alam niya na galit sa kanya ang lal

