Chapter 116 JAKE MERAFLOR'S POV Nang makapasok na kami sa mansion ay may napansin kaming mga kahon sa likod na bahagi ng bahay pero hindi ko lang ito binigyang pansin. Dahil ang mas importante ngayon ay malaman namin kung narito ba si Agata ng mailigtas namin ito. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang maingat na nagmamasid sa paligid kung may kalaban. Nang masigurado ko na clear ang dadaanan namin ay nagbibigay ako ng senyales na sumunod sa akin hanggang marating namin ang second-floor ng mansion. Pero laking gulat ko ng hindi ko makita si Liam sa grupo at agad silang tinanong. "Wait! Where is Attorney Guevarra?" I asked them. Nagkatinginan ang mga ito ng tanungin ko sila dahil maski sila hindi rin napansin na hindi sumunod sa grupo si Liam. "We didn't notice that he was not fol

