Chapter 27 Oras na para mag decision ako para sa ika tahimik ni Liam. Buo na ang decision ko na sagutin na ang panliligaw niya sa akin. Balak ko siyang sagutin sa araw ng 18th Birthday ko, and for Mr. Jake, siguro crush lang ang meron ako sa kanya. Kaya dapat ko nang iwasan siya, although, hindi totally na maiwasan siya dahil sa boss ko siya. What I mean is, hindi ko na siya paasahin pa. Oras na din para sabihin kay boss na si Liam ang mahal ko at si Liam ang pinipili ko. Alam kong masasaktan ko siya sa decision na gagawin ko. Pero ayaw ko nang paasahin pa siya. Makakahanap pa siya ng babaeng deserves sa pagmamahal na binigay niya. Tanging kaibigan na lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Dahil si Liam ang mas mahalaga sa akin. Dati pa man ay ayaw ko nang mawala sa tabi ko si Liam. Sigu

