Chapter 24 Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nanggaling sa naka awang na bentana ng silid na kinaroroonan ko. Napaunat naman ako ng kamay ko. "Hmm, mukhang napasarap yata ang tulog, ko, ah!" Turan ko sa sarili ko pero naka pikit pa rin ang mga mata ko. Pansin ko naman na nag iba ang amoy ng kwarto ko. "Bakit parang amoy lalaki na ang kwarto ko? Hindi naman ganito ang amoy nito dati, ahh!!" Tanong ko sa sarili ko. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at pansin ko rin na nag iba rin ang kulay ng ding-ding ng kwarto ko. Napakunot naman ang noo ko ng makita kong nag iba talaga ang kulay nito. Dahil kulay maroon ang ding-ding ng kwarto ko wala naman akong matandaan na pinapinturahan ko ito ng bagong kulay. At isa pa, kahit mag palit ako ng kulay ay hindi black and white motif ang

