Chapter 131 Jake Meraflor's POV Hindi ko inaasahan na ginawa ni Agata kay Max. Ang akala ko ay papahirapan niya lang ito sa pamamagitan ng suntok. Pero mali ang expectations ko sa kakayahan ni Agata. Masyado nang nabalot ng puot at galit ang puso nito kaya naging ganun siya ka brutal. Nang makita ko kanina na pinag pirapiraso ni Agata ang pantalon ni Max ay akala ko tinatakot niya lang ito. Kaya hindi ako kumibo. Pero sa isang iglap lang ay pinutulan ng kaligayahan si Max at hindi ko na napigilan pa si Agata sa kanyang ginawa. Matapos ang ginawa ni Agata kay Max ay nawalan ito ng malay. Siguro dahil sa sakit ng nararamdaman nito o hindi kaya ay sa nervous. Agad ko itong nilapitan at kinalagan sa pagkakatali at agad na tinawag ang mga tauhan na nakabantay sa labas ng bartolina para t

