Chapter 125 Agata Borromeo's POV Dalawang linggo na ang lumipas bago ako lubusang gumaling. Dalawang linggo rin ang lumipas na palagi akong binabantayan at sinasamahan ni Liam kahit saan ako magpunta. Sa loob ng dalawang linggo ay hindi siya pumasok sa law firm na pagmamay ari nito. Nag file siya ng leave para lang matutukan ang paggaling ko ng tuluyan. Dahil okay na ang pakiramdam ko ay nakiusap ako kay Liam na samahan ako sa pupuntahan ko. Nung una ay ayaw nito na lumabas ako baka raw may nakaabang na hindi maganda sa daan. Pero kalaunan ay pumayag na rin ito lalo na ng sabihin ko na pupunta lang ako ng simbahan. Dahil gusto ko munang magdasal bago ako bumalik sa trabaho ko bilang agent. Ngayon nga ay katatapos ko lang maligo at naghahanap ng damit na susuotin ko. It was Sunday

