Chapter 78 Agata Borromeo - Ngayon ay nasa tapat na ako ng office ni Mr. Martin. Kumatok muna ako at naghintay na may sumagot bago ako pumasok sa loob. Isang saglit lang matapos kong kumatok sa pinto ay sumagot agad ang tao sa loob ng office na ito at alam ko na si Mr. Martin ito. "Come in!" Mr. Martin said and I immediately opened the door and went inside it. Nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng office na ito ay namataan ko si Mr. Martin na nakaupo sa swivel chair nito kaharap ng office table at may hawak na dokumento habang binabasa ito. Hindi ito nag angat ng tingin dahil busy siya sa kanyang binabasa kaya ng makalapit ako sa mesa nito ay binati ko ito. "Good morning Mr. Martin. Agent A is here, reporting for duty, sir." I said to him with confidence. Hearing what I said j

