Chapter 140 Liam Guevarra's POV Matapos ang dalawang oras naming pamamalengke ay nakabalik rin kami agad sa hotel na tinutuluyan namin ni Agata. Ngayon nga ay isa isa kong inaayos ang mga karne, gulay at isda na binili namin kanina. Maliban sa mga ito ay meron din kaming binili na prutas, tinapay, chocolate, milk, mga snacks, at iba pa na mga kailangan namin dito sa private suite namin. Hindi ko na iisa isahin pa ang mga iba pa naming pinamili dahil baka mapagod lang kayo sa pagbabasa. "Hehe, charrr! Joke lang. Pampa good vibes lang." Nang maisaayos ko na ang lahat ay nag handa na ako ng mga ingredients para sa lulutuin kong pagkain sa tanghalian. I plan to cook beef steaks and vegetable salad because I know Agata would miss this kind of food. She loves to eat beef steaks, and espe

