Chapter 67 - Agata Borromeo - Ilang araw din ang lumipas simula ng magising ako mula sa coma ng dahil sa isang aksidente. Nang magising ako sa araw na iyon ay hindi ko matandaan kung paano ako naaksidente at napunta sa hospital. Dahil sa pagkakaalam ko ay kararating lang namin sa bagong bahay na tinitirahan namin ni Liam. Sa araw rin na iyon ay pakiramdam ko may nagbago sa akin. Na para bang may kakaiba pero hindi ko lang matukoy. Pero ng makita ko si Liam ay nakumperma ko nga na may nag iba sa akin. Dahil lumakas ang t***k ng puso ko at para bang gusto itong lumabas sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Para bang ang tagal kong hindi nakita si Liam at sabik na sabik akong makita siya. Pero kahit na ganun ang nararamdaman ko ay pinigilan ko a

