Chapter 90 Part 1 Agata Borromeo's POV Habang nililibang ko ang lalaki na na nasa harapan ko ngayon ay bigla akong kinabahan. Feeling ko ay may nagaganap na hindi maganda pero hindi ko lang ito matukoy. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko ngayon. Para bang may bumubulong sa isipan ko na kailangan ko nang makaalis ng lobby. At para bang hinahatak ako papunta sa kinaroroonan ni agent Jo ngayon. At hindi nga ako nagkamali dahil isang saglit lang ay narinig ko na nakipaglaban si agent Jo sa tatlong mga kahina hinalang tao na sinabi ni Hendrix kanina lang. Narinig ko sa usapan nila boss Jake at agent Jo na sumugod papunta sa stock room ang mga lalaki. Kaya dali dali akong nag isip ng dahilan para mapuntahan si agent Jo. Sinabi ko sa kaharap ko ngayon na kailangan kong pumunta ng banyo at

