Chapter 35 -AGATA BORROMEO- Kinabukasan ay nagising ako dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa siwang ng bintana. Nakabukas kasi ito ng bahagya. Napapakurapkurap ako dahil nasilaw ako sa sinag ng araw. Minulat ko ang mga mata ko ng tuluyan ng maramdaman kung may nakayakap sa bewang ko. Nagtaka naman ako kung sino ang nakayakap sa akin, eh kwarto ko naman ito. And as a cue, naalala ko ang nangyari kagabi sa amin ni Liam. Napatingin ako sa gawi ni Liam na ngayon ay mahimbing na natutulog habang nakayakap sa akin. Napangi na lang ako sa nakikita ko. Hindi na lumipat ng kwarto si Liam kagabi. "Siguro ay dahil sa kapaguran at hating gabi na rin kaya dito na lang siya natulog." Kausap ko sa sarili ko. Inabot ng palad ko ang mukha niya at hinimas ito ng dahan dahan upang hindi ito magisin

