Chapter 76 Agata Borromeo - Dalawang araw ang lumipas na puro pahinga lang ang ginawa ko. Ikwenento ko na rin kay Liam kung ano ang nangyari sa akin ng nakaraang araw. Magkahalong emosyon ang umusbong kay Liam ng malaman niya ang nangyari. Nagalit ito dahil sa tangkang pagpatay sa akin ng hinihinalang Sindikato. At naawa sa akin dahil mag isa lang ako ng mangyari ang insidente. Nagpaliwanag na rin si Liam sa akin tungkol sa babaeng humalik sa kanya. At nalaman ko rin na plinano pala ang lahat ng nangyari sa akin. Ngayon na alam ko na ang buong katotohanan ay mas lalo lang nadagdagan ang pagnanais ko na makapag higante sa Pyrate Syndicate. Ngayon nga ay napag disisyonan ko nang bumalik sa pagiging agent dahil gusto kong malaman ang lahat ng nangyari sa panahong wala pa akong maalala.

