Chapter 64 Liam Guevarra - Nang matapos ko ang kanta ay nakita kung mahimbing na natutulog si, Agata. Napangiti na lang ako sa sarili ko dahil hindi ko inaasahan na makatulog ng mabilis si Agata. Tumayo ako para lapitan siya at ayusin ang ilang hibla ng buhok niya na ngayon ay nakatabon sa mukha nito. Tinipon ko ang mga hibla ng buhok niya at nilagay sa likod ng tenga nito. Inayos ko rin ang kanyang kumot na nalihis ng konte. Siguro ay nausog ito kanina ng magpalit ito ng position. Nang masigurado ko na okay na ang pagkakahiga ni Agata ay nag punta muna ako ng banyo sa loob ng kwarto na ito. Matapos kung gamitin ang banyo ay lumabas na ako dito at naglakad pabalik sa silya na kinauupuan ko kanina malapit sa kama ni Agata. Uupo na sana ako ng biglang may kumatok sa labas ng pinto dit

