Chapter 9 Nasa isang boutique si Isla kasama si Yannie sa umagang iyon. Naghahanap sila ng gown na susuotin niya sa kasal nila ni Ash. Hindi kasi siya nito masasamahan dahil may emergency meeting ito sa Italy kaya kahapon pa lang ay lumipad na ito paroon. "Salamat sa pagsama, ha?" baling ni Isla kay Yannie na hindi nawawalan ng ngiti sa labi. "Walang problema, kaibigan," excited na ani Yannie na animo'y ito ang ikakasal. Mas excited pa kasi itong mamili ng gowns kaysa sa kanya. Wala kasi siyang kaalam-alam sa mga ganito kaya ito ang napili niyang isama. "So? Ano ba ang type mo?" tanong nito sa kanya habang nagtitingin-tingin sa brochures na ibinigay sa kanila ng May-ari ng Js Boutique. Good thing na tinawagan ni Ash ang may-ari para ipaalam sa rito darating sila. "Hindi ko alam,"

