EPISODE ONE

1694 Words
Isang magandang umaga na naman pero wala pa ring trabaho na mapasukan,hay buhay bakit lagi na lang ganito aniya sa kanyang sarili habang naglalakad pa puntang banyo,para makapaghanda sa lakad niya na maghahanap ng trabaho.pagkatapos niyang magligo,nagbihis na siya tsaka siya bumaba ng hagdanan "nak aalis kana ba ?kain kana muna nak alam mo naman na mahirap ang malipasan ng gutom sa paghahanap ng trabaho nak" sabi ng kanyang mama " sige ma " aniya rito,pagkatapos nakisabay na sya sa pagkain ?aglalakad siya ng biglang tumunog yong cellphone niya,kalalabas niya lang sa kompanya na pinag-aplyan niya pero ang sabi ng mga ito "We will call you" hay,nakakasawang word na maririnig mo ganun ba talaga kahirap na sabihin nila na hindi ako nakapasa para hindi na umasa na tatawagan nila ako Tinignan niya kung sino tumatawag at nakita niya na ang kaibigan niyang si Ezel pala ang tumatawag Simagot niya ang tawag nito "hello par bakit kana patawag"aniya rito "Par saan kana ngayon,tumawag ako sa bahay ninyo pero ang sabi ni tita wala ka daw sa bahay niyo at naghahanap kana naman daw ng trabaho.Par hito na ang good news may raket kami ngayon,eh kako baka gusto mo sumama para may extra money ka naman kahit papaano " -anito sa kanya ha? ano na namang raket ba yan ,naku-naku Ezel ha baka mamaya kung ano -ano na naman yan ha -aniya rito "baliw ka talaga oo Janella nagbago na kami noh, alam mo ba na ang raket na sinasabi ko sayo eh ang pagiging bodyguard ni Kelvin ng ilang araw lang dahil mananatili siya rito sa pilipinas ng ilang araw"-anito sa kanya namilog ang kanyang mga mata dahil sa wakas magkakapera na sya kahit pansamantala lang. talaga! sige sama ako sa inyo par ,kailan ba par-aniya rito ngayon na nga sana eh kasi ngayon siya pupunta dito sa pilipinas na at kailangan natin siyang sunduin-anito bakit ?ang akala ko ba bukas pa -aniya biglaan kasi par at sa cebu niya gustong mamalagi par- anito " cge na nga" -aniya rito ?akalipas ang ilang minuto nilang paghihintay kay Kelvin at sa wakas nasa labas na ito ng airport papalapit sa kanila.napatitig siya rito ibang-iba ito ngayon dahil napakagwapo nito sobra at matangkad at mestizo ito.kumaway si Ezel rito at nakitang niyang ngumiti ito sa kanila. "hey Kelvin is that you"-pabirong sabi ni Ezel rito at tsaka niyakap ito tumawa ito at tsaka tumingin ito sa kanya at ngumiti. "Hindi mo ba ako yayakapin"-,anito "para saan pa"-sabi niya rito habang nagtatampo at tumalikod siya at naglakad. hay naku Kelvin nagtatampo lang yan-ani Kurt (pinsan ni Ezel) ahhhh ganun ba-sabi nito tsaka siya biglang dinamba ito nabigla siya kaya hinabol niya ito.Para silang mga bata na naghahabulan.Nawala rin lang bigla ang tampo niya rito namiss niya lang ito ng sobra dahil sa ilang taon din nila itong hindi nakita at nakasama at bigla-bigla itong bibisita sa pilipinas na hindi na ito matatawag na ordinaryong tao dahil isa na itong sikat na modelo at musikero sa italy maski dito sa pilipinas nakikilala na ito kaya kinailangan nito ng body guard. JANELLA POV. ?asa biyahe na sila papuntang cebu at kakatapos niya lang nagpaalam kila mama,hindi na kasi sila dumaan sa bahay para magpaalam rito dahil nagmamadali sila ni hindi pa nga siya nakabaon ng mga damit niya buti pa si Ezel at Kurt may mga dala.Nakakahiya tuloy kay Kelvin dahil ang sabi nito bili na lang daw sila ng mga damit niyang susuotin.Pinanood niya ang paligid na nadadaanan nila ng bigla siyang nakaramdam ng antok hanggang sa hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya. KELVIN POV. ?akatapos lang niya makausap ang kanyang ina na nasa cebu ng maramdaman niyang bumigat bigla ang balikat niya kaya napatingin siya at nakita niya si Janella na nakatulog ito at ang ulo nito ay nasa balikat niya.Hindi niyang maiwasan na mapatitig ito at naaalala niya noon.Matagal na siyang may gusto rito simula noong nasa collage sila,kahit hindi sila magkaklase noon pero naging magkaibigan sila at napalapit siya rito,lagi niyang pinapangarap niya itong maging gf ito noon pero hindi pala ito nagkakagusto kailan man sa mga lalaki,ang tingin lang nito sa mga lalaking nagkakagusto rito eh kapatid o kaya kaibigan,may pagkaboyish din ito noon mula sa ugali at pananamit,ang akala mo eh lalaki ito at may pagkataray rin ito at hindi ito uurong sa mga labanan hanggat hindi nito nakukuha ang hustisya,hindi rin ito matatawag na easy to get kundi hard to get pa nga ito.Pero ibang-iba na ang pananamit nito ngayon dahil babae na ito kung manamit pero sa ugali nito may mga nagbago na rin tulad ng mga sinasabi nila Ezel. Napangiti siya ng maalala lahat yon "hoy Kelvin tigilan mo ang pagtitig kay Janella baka mamaya hindi mo mamalayan tunay na pala siya " napangiwi siya ng maalalang hindi lang pala sila doon ng marinig ang sinabi ni Kurt "Sir Kelvin malapit na po tayo"-sabi ng driver ahh okay kuya - sabi niya rito at tinapik ang pingi ni Janella na natutulog.nagmulat ito ng mga mata at umayos ng pagkaka upo andito na tayo Janella- sabi niya rito pagkatapos bumaba na sila ng sasakyan ay inalalayan niya ito. JANELLA POV. ?apatingin siya sa paligid at namangha sa nakikita niya ang ganda ng tanawin.para kang nasa ibang bansa. 5 days later Hinatid na nila si Kelvin sa airport at niyakap nito si Kurt at Ezel pagkatapos niyakap siya nito ng mahigpit. "mag- iingat kayo sa biyahe dahil ilang oras pa naman ang biyahe niyo pauwi sa Batangas"-anito sa kanila oo na ikaw din ha Kelvin wag mo kalilimutang tumawag samin pag andin kana-sabi nila rito.Ngumiti ito at tumango pagkatapos naglakad na ito papasok sa airport. nasa bahay na sya at nagnilay-nilay siya sa sofa nila ng sumulpot si mama " oh anak andiyan kana pala musta naman ang biyahe mo nak at kamusta na nga rin pala si Kelvin" -anito sa kanya ma ayus lang nakakapagod ma eh ay tsanga pala ma may ipinabibinigay nga pala si Kelvin para sayo ma -sabi niya rito at tsaka niya kinuha ang nakabox na regalo ni Kelvin at ibinigay rito ng biglang pumasok ang kanya ate shaira kasama ang kaibigan nito kaya napatayo siya at humarap kay mama. " ma akyat na ako sa kwarto ko ma dahil gusto ko ng magpahinga"-aniya kay mama Pagkatapos naglakad na siya at wala siyang balak na kausapin o kamustahin ang kanyang ate dahil simula ng naging kaibigan nito sila chantal at Alexa noong collage nag-umpisa na rin ang awayan sa pagitan nila ,kahit lagi na itong mapahamak dahil sa mga ito noon pinagtatanggol niya ito pero siya pa ang mali kaya unti-unti ng lumayo ang kanyang loob rito hanggang sa nagkaroon ito ng boyfriend si kuya Jonas,laging namamalagi si kuya Jonas dito sa bahay nila noon at lagi siyang kinakausap nito at dahil doon nagkasakitan sila ng kanyang ate ng dahil lang sa pagseselos at sinasabi nitong may something sila ni kuya Jonas kaya napilitang nakipaghiwalay si kuya Jonas sa ate niya dahil hindi nito masikmura ang pag uugali na nito,lalong lumalala,Kaya hayun lalong nagalit ang ate niya sa kanya.ewan niya lang ngayon dahil may boyfriend ito na mayaman.hindi siya makatiis na makasama niya ng matagal ang kanyang ate at hindi niya rin maiwasan na ma inggit sa kanyang ate dahil masaya na ito sa buhay nito kung anong merun ito at napakabait kasi ng bf nito.Samantalang siya sa edad niyang 24 no boyfriend since birth pa sya.hay naku buti na lang may trabaho na siya at salamat kay Kelvin kung hindi rito siguradong maghahanap na naman siya ng trabaho ng magdamag bukas.humiga na siya sa higaan niya at natulog. ?inabukasan naglalakad siya papuntang bahay ampunan para bisitahin ang mga bata pati narin ang ang sister doon ng bigla na lang may bumangga sa kanya at nawalan siya ng balanse at natumba siya,nauna pa ang pwet niya napangiwi siya dahil sa sakit.tumingin sya sa lalaking nakabunggo sa kanya,napatanga siya ng makita ang lalaking matangkad na mala anghel ang hitsura nito dahil sa napakatangos na ilong nito, maninipis at mapupulang labi nito, napakaperpekto nitong mukha at ang mata nito ay kulay azul ay! kaya lang ang mga mata nito ay walang kaemo-emosyon man lang na makikita rito at parang sobrang napakaseryoso nito at nakatingin pala ito sa kanya kaya napatayo siya,hindi manlang siya nito inalalayan ng akmang magsasalita na siya ng biglang tumalikod na ito.sayang naman ang gwapo pa man din niya doon uminit ang kanyang ulo dahil sa ginawa nito. " hoy manong hindi ka ba hihingi ng sorry sakin eh ikaw ang nakabangga sakin eh "-aniya rito pero di siya pinapansin nito kaya nainis siya at umusok bigla ang kanyang ilong, " walang sino man ang pwedeng mangbastos sakin,hindi ko sukat akalain na sa likod ng mala anghel mong mukha ay kasing kabaligtaran naman ng ugali mo mr.drakula "- sigaw niya rito,ni hindi man lang ito lumingon sa kanya o kaya tumigil kaya lalo siyang nanggigil nagdampot siya ng maipagbabato rito at may nakapa siya sa kanyang bag at ibinato niya rito ni hindi niya man lang tinignan kung ano ang ibinato niya rito dahil sa inis.at tsaka siya lumakad palayo. TRAVIS POV. ?apahinto siya dahil sa bagay na tumama sa kanyang likod at tinignan niya ito nakita niya ang ID nito at tsaka tumingin sa babaeng nabangga na siyang nagbato sa kanya.hinahayaan niya na lang ito dahil wala siya sa mood ngayon aalis na sana siya ng maalala niya ang ID nito kaya pinilot niya na lang ito at tsaka naglakad papunta sa sasakyan niya.nasa loob na siya ng sasakyan at napatitig siya sa ID nito at nakita niya na may number ito.kaya napaisip siya na siguradong isa ito sa mga nagkakandarapa na babae na may masungkit na mayaman. kaya napailing-iling na lang siya at tsaka pinaandar ang sasakyan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD