Chapter 15 "Walang hiya ka! Bastos kang bakla ka!" nanggagalaiti si Erin na tumayo mula sa putikan at alam kong susugurin na niya si Tzekai ngunit mabilis kong iniharang ang isang paa ko na nakalublob sa putikan kaya parang aksidente lang at hindi sinasadya, dahilan iyon para muling matumba si Erin at nauna ang kaniyang mukhang napasubsob sa putikan. Napangiti ako sa naging hitsura niya nang bumangon siya dahil tanging mga mata na lang niya at bunganga ang bubuka-buka. Iisipin mong parang siyang putik na nag-anyong tao. "Walang hiya kayo! Kaninong paa ang humarang sa akin!" gumagapang na siya sa putikan palapit sa pilapil. Mabilis ang crew na hinawakan ang kamay niya para tulungang bumangon. Hinugasan nila ang mukha niya gamit ang mineral water. "Sinadya mong iharang ang paa mo ano, Ced

