PINAGMASDAN ni Lavender si Pablo na payapang natutulog sa kanyang kama. Nakaalis na si Ceferino dahil kailangan daw nitong magpahinga. May naka-schedule itong operasyon mamayang gabi. Siya na raw ang bahala sa kaibigan nito. Sikapin daw niyang huwag mapikon dito. Napapabuntong-hiningang umupo siya sa tufted chair na nasa tabi ng kama. Hindi iyon ang unang pagkakataon na natulog sa silid niya si Pablo, ngunit tila nahihirapan pa rin siyang maniwala na naroon nga ito nang mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung pasasalamatan niya ang presensiya nito o ano. Tila kasi natatabunan ang sakit na dulot ni Arthur ng inis na dulot ni Pablo. Hindi kumukupas ang epekto ni Pablo sa kanya. Napipikon pa rin siya tuwing iniinis siya nito. Nagagalit siya nang labis sa mga sinasabi nitong madalas ay may

