22

2737 Words

PAGKATAPOS ni Pablo sa laboratory ay nagtungo ito sa clinic ni Lavender. Nagpaalam ito na aalis sandali ngunit babalik din bago matapos ang clinic hours niya. Magtutungo lang daw ito sandali sa gallery nito. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pa nitong bumalik. Inasahan niya na kapag natapos itong magpakuha ng blood sample ay aalis na ito at hindi na babalik. Nais ba nitong makasama si Cassandra? Kahit paano yata ay nararamdaman nito sa kaibuturan ng puso nito na anak nito ang bata. Ikinatuwa niya iyon. Sampung minuto bago mag-alas-dose ay bumalik si Pablo sa clinic. “Where are we having lunch?” tanong nito sa kanya. Nakaupo ito sa isang upuan sa tapat ng mesa niya. Sinulyapan lang nito si Cassandra na abala pa rin sa tahimik na paglalaro. Hindi niya napigilan ang kaligayaha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD