Napatakbo tuloy siya sa may gilid ng kama. Putek! Iyong pagnanasa ko biglang nahaluan ng katatawanan. Baby! Huwag ka na lang tumakbo dahil kahit saan ka magtungo hahabulin kita! Mapapagod ka lang... Halos malapit na ako sa kanya at balak.ko na siyang sunggaban pero mabilis na naman siyang napatakbo at umiwas. Para kaming naglalaro ng patintero. Nagseryoso ako at humalukipkip. Naghahanap ng tiyempo para mahuli siya. "Bakit ka ba umiiwas?" "Bakit mo ba ako dinala rito?" balik tanong niya. "Ano bang ginagawa ng mag-asawang nagche-check-in sa hotel?" tanong ko rin imbes na sagutin siya. Napataas siya ng kilay sa akin. What's this all about baby ha! Nagagalit ka ba. Bakit hindi ka maamong tupa ngayon? "Kung normal na mag-asawa, alam ko kung anong ginagawa, eh tayo..." Bigla ko siyang

