Warning: Contains Mature theme.
Dahil sa inis ko binaba ko lang ang pinalengke ni Leila at agad na akong umalis nang hindi nagpapaalam. Paano ba naman alas dos na kami natapos sa pamamalengke. Ang sama-sama pa naman ng panahon at halos dumilim na.
Kanina pa ako tinatawagan ng barkada. Dalawang oras kong pinaghintay ang inuman.
Langya, ayun lang ba talaga kaya badtrip ako? Muling pumasok sa alala ko ang pakikipagtawanan ni Leila sa isang kakilalang lalaki. Napanormal ng tawa niya doon sa lalaki, samantalamg sa akin halos mapanis na ang laway niya dahil malimit akong kibuin at bigyan ng ngiti.
Pagdating na pagdating ko, nilagok ko agad ang beer na inabot sa akin ni Tom. Kumalahati agad.
"Woah!! dahan-dahan marami pa riyan pre. Parang ang tagal mong 'di uminom e." Tawanan ang barkada sa sinabi ni Ariel.
"Pre, alam namin na malakas at 'di ka agad natatamaan kahit madami mainom mo, pero langya, hindi ka pa nakakaupo rito ng isang minuto mukhang hahabulin mo na ang nainom namin eh!" palatak naman ni Tom na mukhang may tama na talaga.
"S'an ka ba galing at late ka? Kanina ka pa namin tinawagan ah," singit na tanong ni Belia na kasintahan naman ni Ariel. Nakakapit sa braso ng kasintahang na parang tuko.
"Wala, may importante lang na ginawa," sagot ko at inubos na ang laman ng bote. Tss, importante!
"Woah! huwag mong sabihing naka-score ka na?" malakas na kantiyaw sa akin ni Jovit. Hindi ako natuwa kaya matalim ko siyang tinitigan kahit pa natawa ang lahat. Wala ako sa mood makipagbiruan.
"Pare, 'syado kang seryoso." Naging maingat si Jovit at apologetic ang tingin sa akin nang talagang hindi ko sinakyan ang biro niyang iyon.
"Mag-inuman na nga lang tayo. Huwag ninyong pakialaman ang buhay ko," pagalit kong saad at muling nagbukas ng beer.
Nang pasuray-suray na nilapitan ako ni Tom at inakbayan.
"Pupunta raw dito mamaya si Grace, pare. Tamang-tama, puwede ninyong gamitin iyong isang kuwarto dito sa bahay," nabubulol na niyang bulong sa akin. Nangangamoy alak na siya sa dami ng nainom. Lumalabas na ang halimuyak ng alak sa katawan niya.
Napangisi ako. Nami-miss ko na nga si Grace e. Kahit pa sabihing galit iyon sa akin, lalambingin ko lang ay maayos na naman kami. Alam kong hindi naman niya ako kayang tiisin. Gaya ng dati kapag naghihiwalay kami. Ganoon naman ang relasyon namin noon pa. On and off. Nakasalalay na lang sa kung sino ang susuyo at bibigay. Napailing na lang ako habang tinutungga ang alak.
"Gago ka pa rin talaga, Nathan! Tumigil ka sa kamunduhan mo!" piping saway ko sa sarili.
Muli kong nilagok ang beer. Nang mapasulyap ako sa labas. Medyo malakas na ang ulan at madilim na nga. Alas kuawatro palang naman.
Abala sa kwentuhan at inuman ang lahat samantalang ako ay parang hindi mapakali sa inuupuan at panay ang sulyap sa cellphone ko.
"Langya, hindi naman mag-te-text iyon, asa pa ako!" bubulong-bulong na sabi ko. Nasagap pala iyon ni Tom.
"Nandito na, paano magte-text," sagot niyang nakatingin sa labas.
Lumingon ako kung saan siya nakatingin. Nakita ko si Grace palabas sa kotse nito. Bumati siya sa lahat pagkatapos niyang itiklop ang itim na payong.
"Dito ka na maupo, Grace," agad na anyaya ni Jovit at talagang umalis pa sa tabi ko para bigyan ng espasyo at mauupuan si Grace sa tabi ko.
Langya itong mga barkada ko. Alam nilang may asawa akong tao--mga bugaw! Pagak akong natawa ng lihim. Parang aayaw naman ako.
Nagbukas ako ng beer at binigay iyon kay Grace.
"Salamat," ika niya at may malanding ngiti sa labi. Hinaplos pa niya ang kamay ko bago niya tuluyang kunin ang bote. Kumislot tuloy ang kaibigan kong tigang na sa baba.
"Ihanda ko lang ang kuwarto pare," malakas na ika ni Tom, may malaking ngisi pa sa labi. Lasing na kaya hindi na kontrolado ang boses.
Tawanan tuloy ang lahat. Pati si Grace ay nakitawa na, nag-e-enjoy pa yata sa pinagsasabi ng barkada. Kinapa ko ang aking bulsa. Nakahinga ako ng maluwag nang makapa ko ang wallet ko. Buti at hindi ko naiwan iyon, may laman kasing proteksiyon kapag mapapalaban. Lagi akong may dala lalo na sa ganitong inuman.
Hinawakan ko sa hita si Grace.
Hindi man lang siya nagulat sa ginawa ko. Ininom niya ang beer na binigay ko. Habang naglalakbay ang kamay ko sa hita niya.
"Tigang ka ba sa asawa mo at nilalandi mo ako ngayon?" bulong niya sa akin pagkababa niya sa bote.
"Alam mo ang sitwasyon namin Grace," bulong ko rin sa kanya. Medyo may pahalik pa sa leeg niya.
Nakiliti siya sa ginawa ko. Pareho na kaming walang pakialam sa mga kasama namin sa mesa.
"Malay ko ba kung nilalandi ka niya."
Parang biglang uminit ang ulo ko sa tinuran niya patungkol kay Leila.
"Hindi siya ganoon!" sabi kong lumayo ng kaunti sa kanya at muling nagbukas ng beer. Panglima ko na iyon.
Natawa siya ng pagak at lumapit sa akin. "Don't worry, kaya kitang paligayahin. Kaya kong gawin ang mga bagay na hindi kayang ibigay ng kunwari mong asawa," bulong niyang may pahalik at pakagat na ginawa sa teynga ko.
I am tempted. Kahit pa binilinan na ako na mag-ingat dahil baka may kung sino ang makaalam na kunwari lang ang kasal namin ni Leila. Mabulilyaso pa ang pagpunta ko rin sa Canada, pati na ang balak na pagkuha ni Leila sa mga magulang ko.
Wala naman sigurong nagmamatiyag sa ganitong panahon. Isa pa, alam kong mapagkakatiwalaan ko ang barkada.
"It's pouring hard. The best time to..." Napabaling ang tingin ko kay Grace sa pagbitin niya sa sasabihin. May ngisi siya sa labi, puno ng pagnanasa ang mga mata niya. "Have s*x!" Napakadali lang sa kanya banggitin ang salitang iyon. Na para bang maglalaro lamang kami.
Muli akong tumingala sa langit. Malakas na nga ang ulan. Nang biglang kumulog ng malakas.
"s**t!" mura ko. Bigla ring namatay ang mga ilaw. Alas singko na ng hapon iyon. Madilim na ang paligid, brown out pa.
Si Grace na ang humawak sa hita ko. At hinimas-himas iyon. Lumalapit din ang mga kamay niya sa hinaharap ko.
"Mukhang pinagbibigyan tayo ng panahon," malandi niyang sabi. Namumungay ang mga mata niyang parang nag-aaya. Lalaki lang ako. And I misssd her also. Ilang linggo na kaming hindi nagkikita. At tama siya...tigang na tigang na nga ako.
Nang kumulog muli.Tumayo si Grace at hinila rin ako patayo.
"Lets go, Nate." Nagpatianod ako sa kanya.
Kumulog muli kaya napabaling ako sa labas. Nawala lang ang atensiyon ko roon noong hawakan niya ang pisngi ko at iharap ako sa kanya. She then kiss me.
"I miss you," she whisper in between our kisses. Hindi ko na napigilang tugunin iyon. Lalo na at naramdaman ko ang excitement ng kaibigan ko sa baba.
Isinandig ko si Grace sa dingding at siniil ng nagbabagang halik.