"I like you, Crystal." Bumaliktad ng pwesto si Crystal at humarap sa kanan niya. Nakapikit pa rin siya. Pilit na hinihanap ang antok niya. "I like you, Crystal." Tumihiya naman siya ngayon. Isinaklob ang kumot niya sa kanyang mukha. "I like you, Cryst-" "Urgh!" Bumalikwas na ng upo si Crystal. Namumugay ang mga mata na meron ng kulay itim sa ilalim niyon. Tatlong gabi na siyang walang maayos na tulog dahil sa sinabi sa kanya ni Hanuel. Tatlong araw na niyang iniisip kung ano ba ang ibig sabihin nito dahil matapos nitong sabihin 'yon sa kanya ay umalis din ito kaagad kinabukasan. Ni hindi nga niya ito na abutan kahit katabi niya ito matulog. Pagkagising niya ay wala na ito. Kaya heto siya ngayon na iwan na walang humpay sa kaiisip kung ano ba ang ibig niyang iparating. Naiinis n

