Hindi na niya namalayan na gumaganti na siya sa halik nito. Animo'y mga bulate ang kanilang mga dila kung maglingkisan sa loob ng kanilang mga bibig. Hindi na kaya pang pigilan ni Crystal ang init na kanyang nararamdaman. Malamig ang loob ng silid ngunit pakiramdam niya ay nagbabaga iyon. Sa mga sandaling iyon ay parang nawala na sa kanyang sarili si Crystal. Ang kanyang mga kamay ay umakyat na papuntang batok ni Hanuel at doon ito ipinulupot. Ang mga kamay naman ni Hanuel ay hindi magkamaway sa paghaplos sa kanyang katawan. Wala ng pakialam pa si Crystal sa kung ano pa ang sunod na mangyayari. Kung kanina ay nag-aalangan siya ngayon ay nawala iyon. Isang halik lamang ng binata ay nawala ang lahat ang alinlangan at takot na bumabalot sa kanya kanina. Napalitan iyon ng pagkasabik. Para

