"OMG girl! Anong drama n'on?" nagtatakang tanong ni Ynette sa kanya. Kasalukuyan silang nasa canteen at kumakain ng tanghalian. Libre lang ang pagkain nila doon kaya hindi na sila gumagastos pa. Pinag-uusapan kasi nila ang kinilos kanina ni Bryan. Parehas kasi sila nagulat sa ikinilos nito kanina sa elevator. Maging noon nagta-trabaho na sila ay madalas mahuli ni Ynette na nakatanaw ang binata kay Crystal. Minsan pakiramdam ni Crystal may nagmamasid sa kanya at sa tuwing lilingon-lingon siya ay si Bryan ang maabutan niyang nakatingin sa kanya. Hindi naman maiwasang pamulahan ng pisngi ni Crystal. Matagal na niya itong crush pero hindi siya sanay na ganoon sa kanya ang binata. "Hindi ko nga alam eh. Ano kayang nakain n'on?" nagtatakang tanong ni Crystal. "Nakain nino?" Halos mabuga ni

