Isinandig ni Hanuel ang pagod niyang katawan nang makapasok siya sa loob ng kotse niya. Pagkatapos ay tumingala siya at ipinikit ang mga mata. Hindi na niya nilingon pa ang pagtabi ng manager niya at PA. Katatapos lang ng ginawa niyang press-con para sa issue patungkol sa kanya. Ayaw sanang itanggi ni Hanuel ang tungkol sa relasyon nila ni Crystal ngunit wala siyang magawa dahil pati ang kanyang ama ay nadadamay na. Maging ang kanilang negosyo na walang kinalaman sa kanyang trabaho ay nadadamay na rin. Napabuntong hininga siya. 'I hope Crystal won't see my interview,' nahiling niya. Mariin niya kasing tinanggi na wala siyang karelasyon ngayon at single siya. Nag aalala siya na baka kapag mapanood 'yon ni Crystal ay masaktan ito. Alam naman niya na uunawaan siya ng dalaga ngunit hindi pa

