Bakit may.... kasama siya iba... naka tingin ako sa loob ng condo niya..
"Anoo yun?!" Tanong ni Bright.
"Huhh?!"
"Ahhh wala... wala..." sagot ko sa kanya.
Sino kaya yun... babae siya. Hallahh! Nauhan na ata ako ng babaeng toohhh. Humanda ka saken babae kah!
"Ahhh ito sisig bigay ko sayo"
Hindi parin ako mapakali... tingin parin ako ng tingin sa loob ng condo niya.
Tinanggap naman ni Bright yung sisig na ibinigay ko...
Maya-maya lumapit yung babae sa amin.
"Kuya? Sino siya?" Tanong nong babae.
"Ahhh... si kuya Tom mo... kapitbahay ko" sagot ni Bright.
Anooo! Di ko akalaing pinsan pala niya yung babae. Nakooo... andami ko pa namang balak na kakaiba sa kanya...
"Hi kuya tom?" Wika nong pinsan ni Bright.
"Hellow?!" Sabay ngiti at kaway ng kamay.
Nakita nong pinsan niya yung hawak ni Bright.
"Ano yan kuya?" Tanong ni Jane.
"Ahhh... etoh? Sisig binigay ni kuya mo Tom" sagot ni Bright.
Nagpaalam na ako kay Bright.
"Ahhh... Bright sige tuloy na ako dapa kase ako kumakain"
"Sige... sige... salamat nga pala dito hah"
"Walang anuman"
Pumunta na ako sa aking condo.
Nandito na ako loob. Nakahanda na sa lamesa ang umagahan ko.
Makalipas ng ilang minuto. Tapos na akong kumain at Linigpit kona ang aking pinag kainan.
Tinignan ko yung kalendaryo kong meron ba akong pupuntahan o wala.
"Mmm... mukhang wala naman akong gagawin ngayon?"
Wala akong magawa... nag isip ako kong ano ang gagawin ko ngayong araw nato.
Mukhang gusto kong magmovie marathon ngayon.
Binuksan kona ang telebisyon. Tapos humiga na ako sa kama.
Makalipas ng isang oras nagugutom nanaman ako.
Pumunta ako sa kusina para mag luto ng popcorn. Kinuha ko yung kaldero.
Linagyan ko ng mantika tapos linagyan ko narin yung popcorn sabay asin.
Linagay kona sa shelane yung kaldero.
Nagselpon mo na ako habang hinihintay kong pumutok yung mga popcorn sa loob ng kaldero.
Chineck ko yung i********: ko. Tinignan ko yung notification ko. Mukhang dumadami na followers ko.
"Br!ght3r started following you?!"
"Totoo bato?!"
Finallow niya ako? Makacheck nga yung IG niya. Wow! Peymoss shett! Akalain mo 100k Followers samantalang ako 78k followers lang.
Tinignan ko yung mga pictures niya.
Pumutok na yung mga popcorn sa loob ng kaldero.
Habang tinitignan ko yung mga pictures niya meron akong nakita. Nagulat na ako sa aking nakita.
May exgirlfriend pala siya. Ngayon kolang nalaman na may ex pala siya. Buti nalang naghiwalay na sila. Para wala kong pagselosan hahaha! Kademonyo ko namang tao
"Amoy sunog? Hallahh!!! niluluto kong popcorn"
Pinatay ko agat yung apoy. Kinuha ko yung pamunas. Tapos binuksan ko yung kaldero..
"Hayy nako salamat buti nalang hindi nasunog lahat"
Nilagay ko na sa bowl yung popcorn.
Papunta na ako sa kama. Hawak-hawak ko yunh bowl na may lamang popcorn. Nakalimutan ko yung selpon ko sa kusina. Pumunta ako sa kusina para tignan sa lamesa.
"Haaahhhh! Bakit ganon hindi ko naman napinindot kanina yung heart react hah?!"
Hindi ko pa siya nafafollow... tapos naghaheart na ako sa mga post niya tapos yung picture pa na magkasama silang dalawa ng ex niya na heart ko.
"Pano na yun? Kunware hindi nalang ako nag react sa post na yun"
Pumunta na ako sa kama... pero naiisip ko parin yun... hindi ako mapa kale.
Nanood nalang ako sabay kain ng popcorn. Maganda yung palabas. Love story siya.
Makalipas ng ilang oras. Tinignan ko yung phone ko kong anong oras na.
"Hah!!! Ano!!! Alas dos na ng hapon?!"
Nagulat ako nakatulog pala ako. So yung TV na ang nanood sakin?
Pansin ko lang? Hindi pa pala ako nakaligo tang*na. Pinatay ko nayong Tv at naligo na ako.
Naghubad sa ako at binuksan ko yung shower. Habang naliligo ako
kumakanta ako. Sino ba namang hindi mapapakanta sa loob ng banyo?
Halos dinig yung boses ko sa kabilang condo.
Alonnneeeeeee!~~~
Singer ka gurl? Hahahah.
Tapos narin akong maligo at nagconcert sa banyo hahahaha.
Nagpalit na ako ng damit.
Biglang may kumatok sa pintuan.
Tokkk! Tokkk! Tokkk!
"Wait lang!"
Binilisan ko ang manamit.
"Andiyan nah!"
Binuksan ko yung pinto. Nabigla sa kumatok.
"Tommy Vilasquez?"
"Opo ako po yun"
"ano po kailangan nila?" Tanong ko sa kanya.
"Etoh po pizza sabi daw po dito ko po ididilever... pakipirmahan nalang mo dito"
Nagulat ako eh hindi naman ako nagorder ng pizza...
"Hindi naman po ako nagorder ng pizza?" Tugon ko sa nagdeliver ng pizza.
"Basta paki pirmahan nalang po dito"
Pinilit niya parin akong pagpirmahin.
Nagtanong ulit ako kong sino yung nag bigay sakin nong pizza.
"Sabihin mo muna kong sino nagbigay nitong pizza?"
"Ahhhh.... sir hindi po pwede eh basta paki pirmahan nalang po ito"
Pinirmahan ko nalang yong pinapapirmahan niya sakin. Wala akong magagawa eh hindi niya daw pwedeng sabihin yong nag bigay.
"Sige po sir thank you"
Umalis na yung delivery boy ng pizza. Huh? Napaisip ako tuloy kong sino nag bigay ng pizza. Eh hindi naman talaga ako nag order ng pizza.
Tinawagan ko si mama.
Ringing...
"Hello nak?!"
"Hello mah? Kayo po ba nagpadeliver ng pizza dito?"
"Ano eh bakit namn ako magpapadeliver eh hindi ko nga alam magorder ng online eh"
"Kong hindi kayo? eh sino?"
"Ewan ko sayo? Baka naman yung mga kaibigan mo?"
"Wait lang mah tawagan ko nga sila"
"Oh sige anak mag ingat ka"
"Sige mah... kayo rin"
Binaba ko na linya.
Sunod ko namang tawagan si Shine.
Number is busy...
Hindi ko siya matawagan. ano kaya ginawa niya?
Try ko magchat sa Group Chat namin.
"Guys meron bang nagpa deliver sa inyo ng pizza sa akin?"
Maya-maya naseen na ni Lucas at Lance pati narin si Frank..
"Huh? May nagpadeliver sa iyo ng pizza? Tanong ni Lucas sa group chat
"Oo nga di ko alam kong sino... kaya nga ako nagtatanong sa inyo kong kayo ba nag padeliver nito?"
"Hindi kami nag pa deliver niyan"
Nagtaka ako hindi nagrereply si Frank. Baka siya yung nag padeliver. Nagtanong ako sa kanya...
Habang nagtatype ako nagreply na siya.
"Hindi rin ako nagpadeliver niyan" reply ni Frank.
Huh? Hindi siya... sino kaya? Si Shine nalang yong hindi ko natatanong. Wala na akong alam na tao na magbibigay sakin nito.
Maya-maya tumawag si Shine.
Shine is calling...
"Hello Tom? Bakit meron ba nagpa deliver sayo ng pizza?"
"Ayon na nga... yun sana itatanong ko sayo kong ikaw ba ang nag padeliver niyo?"
"Huh? Bakit naman ako magpapadeliver ng pizza?" Wika ni Shine sa kabilang linya.
Nagulat ako! Wala sa kanila ang nag padeliver nito. Sino kaya?
"Ngayon lang kase ako nakatawag kase lowbat kanina phone ko... may family bonding kasi kami kanina sa resort"
"Kaya pala... tinatawagan kita kanina pero hindi nagriring"
"Nakita ko kase sa GC natin yung chat mo kaya tinawagan kita"
"Ah ganon bah... oh sige na kita tayo next time" wikang paalam ko kay Shine
Binaba ko na yung linya.
Huh? Wala talaga sa kanila ang nagpadeliver nito?
Huh! Pabayaan mo na nga kakainin ko nalang mamaya pag nagutom ako.
Linagay ko sa ref yung pizza. Pagkatapos pumunta ulit ako sa kama.
"Makapag i********: nga ako"
Pinidot ko yung myday ni Bright. Nagloloading palabg siya... myghad hina ng signal...
Maya-maya lumakas na signal...
"Anooooo!" Sigaw ko sa loob.
Nagulat ako sa nakita ko na myday ni Bright. diniliver sakin at itong myday ni Bright?!"
Huh? Wag mong sabihing si Bright yung nagbigay ng pizza?! Magagawa kaya niya yun sakin?!
Masyado naman akong OA para magpadeliver sakin ng pizza.
Baka nagkataon lang na nagorder din siya ng pizza...
Hah ewan ko?! Basta wag ko nalang intindihin yun... basta may kakainin ako mamaya. Hahaha!
Bakit pa kase hindi sinabi nong nagdeliver ng pizza kong sino yung nag bigay sakin. Para naman nakapag pasalamat ako sa kanya. Hayystt buhay nga naman Tom!
Basta bahala nalang si Lord kong sinoman ang nag bigay sakin non. More blessings to come nalang sa kanya.
Ilang oras akong nakatotok sa selpon ko. Hindi na nga namamalayan ang oras.
Pagkatingin ko sa orasan 7:10 na pala ng gabi eh hindi pa nga ako kumakain ng dinner.
Pumunta na ako sa kusina para kumain. Medyo tinatamad akong mag luto ngayon. Binuksan ko yung ref.
"Mmm? Ano kaya kakainin ko ngayon?"
Naalala ko na may pizza pala sa ref na hindi ko alam kong sino ang nagbigay.
Kinuha ko yung pizza at linagay ko sa lamesa.
"Ano kayang pizza toh?"
Binuksan ko na yung pizza. Hawaiian siya mukhang masarap siya itsura palang masarap na?
Nagsimula akong kumain. Tapos sa bay subo.
"Mmmmmm... sobrang sarap niya!"
Unang tikim palang masasarapan ka talaga. Para siyang shawarma na may halong pinya. Ahhhh! Sarap naman!
Naka tatlo na ako pero parang busog na atah ako. Ayuko na!
"Ahhh! Busog na ako" sabay hawak sa tiyan.
Busog na busog na talaga ako.
"Nakalimutan kong minayday sa IG"
"Bahala na nga imamyday ko nalang yan kahit nabawasan nayan"
Kinuha ko yung phone ko. Tapos pinikturan ko yung pizza.
"Ayan ok na... lagyan natin ng caption na thank you"
Pagkatapos kong kumain pumunta agad ako sa kama at nag selpon.
Medyo inaantok na ako. Di ko na talaga mapigilan. Bigla kong naalala na may klase pala ako bukas.
"matutulog na nga ako maaga pa akong papasok bukas"
Natulog na ako...
Zzzzzzzzzzzzz...
(Kinabukasan)
7:30 na ng umaga. Buti nalang nagising ako ng maaga. Bumangon na na ako para maligo sa banyo. Kinuha ko muna yung tuwalya ko.
8:30 kase yung klase namin. Tapos may program ata kami sa school ngayon.
Makalipas ng ilang minuto tapos narin akong naligo.
Sinuot ko nayung uniform ko. Pagkatapos tinignan ko yung mukha ko sa salamin... kong walang dumi.
Shine is calling...
"Hellow Tom?"
"Asan kah?" Tanong sa kabilang linya
"Hetoh... papunta palang ng school" sagot ko sa kabilang linya.
"Ohh? Bakit ka napatawag?"
"Bilisan mo sa school nalang tayo mag almusal"
"Ahh... ok sige..."
"Bilisan mo hah!"
"Ok sige sige nah!"
Binaba ko na yung linya.
Kinuha kona yung bag ko.
"Wala na ba akong nakalimutan?"
Nandito na ako sa labas ng condo ko.
Omg... kakalabas din ni Bright. Binilisan ko ang paglalakad.
Nakita ako ni Bright.
"Tom?!"
Tumingin ako sa kanya
"Mmmm? Bakit?"
Tinanong niya kong san ako pupunta.
"San kah?"
"Ahhhh... sa school"
"Halika sabay na tayo"
Anooo? Sasabay ako sa kanya?
"Ahh... hindi na salamat nalang"
Nahihiya akong sumakay sa kotse niya. Biruin mo ako pa talaga ang gusto niya kasabay. Ewan ko sa kanya.
Hinabol niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Halika na wag kanang mahiya saken"
Hindi ako nakapag salita. Hinila niya ang kamay ko papunta sa kotse niya.
Ang daming nakakakita sa amin. Halos lahat ng tao sa paligid na kita sa amin.
Pinaguusapan kaming dalawa sa mga gilid-gilid.
"Sana all" sigaw ng mga ibang tao sa amin.
Sa totoo lang nahihiya talaga ako.
Sumakay na ako sa kotse niya. At pina andar na niya ang kotse. Naglalak na kami ngayon papunta sa school.
Biglang may nagtext sa akin. Sigurado ako si Shine yung nagtext sakin. Kinuha ko yung selpon ko sa loob ng bag ko.
(Nasan kana hinihintay kananamin dito sa foodcourt) text ni Shine.
(Andyan na hintayin niyo ko) reply ko sa kanya.
Naka tingin sakin si Bright.
"Ano.. yun?" Wika ko sa kanya.
"Ah... wala"
Bakit kaya siya tumingin sa akin. Ang weird naman tong lalaking to. Medyo malapit-lapit narin kami sa school.
Makalipas ilang minuto nakarating narin kami sa school. Huninto na ni Bright sa harap ng school.
Grabe may ata ngayong araw nato sa school. Andaming tao sa paligid.
Nahihiya akong lumabas baka sabihin nila na boyfriend ko si Bright. Alam ng lahat ang kotse ni Bright. Dahan-dahan ko binuksan yung pintuan ng kotse.
"Salamat nga pala sa pag-angkas"
"Sige-sige walang anuman yun"
Bumaba na ako sa kotse at sinarado ko na yung pintuan ng kotse.
Hanggang dito pa naman nakatingin lahat sa amin ang mga tao. Naglakad na ako papunta sa foodcourt.
Habang naglalakad ako dinig ko ang mga sinasabi ng mga tao sa akin.
"Hah? Magjowa ba sila ni Bright?" Tinig ng tao sa gilid.
Hindi ko sila pinansin. Patuloy parin akong naglakad papunta sa foodcourt. Tabi lang kase ng school namin yung foodcourt.
Malapit na ako sa foodcourt. Nakita ko yung mga barkada ko sa harapan.
"Huyyy! Tom! Bilisan mo!" Sigaw ni Shine.
Basta talaga si Shine ang lakas ng bunganga. Matino siya kunti pero merong pagkapasaway.
Binilisan ko ang paglalakad.
Sa wakas nandito narin ako.
"Huyy sino yung naghatid sayo" tanong ni Lucas.
Hindi ko siya pinansin. Iibahin ko nalang yung usapan.
"Ahh... ako nalang pala ang kulang"
"huyyy... wag mong ibahin ang usapan" wika ni Lucas sabay pindot sa noo.
"Arayyy!"
"Oo nah! Si... B"
"Ahhh si bright?!" Pagulat nilang salita.
"Huyyy yang mga bunganga niyo! Baka madinig kayo Ng mga tao"
"Halina nga kayo gutom na ako" wika ni Shine.
Si Lucas at Lance paulit-ulit nilang sinasabi yung pangalan ni Bright tapos yung pangalang ko.
"Brightom! Brightom! Brightom!"
Habang papasok kami yun parin ang sinabi nong dalawang kambal.
Tapos dinig ng karamihan.
"Huyy nakakahiya Lucas at Lance"
Pinigilan ko silang dalawa.
(Next chapter)