Chapter I: 《"BEGINNING"》

1943 Words
Ang mga kapaligiran ay tahimik walang tao. Dalawa lang kami ng aking future boyfriend ko. Nasa kwarto kami magkatabi at naka hanggusay ang kanyang ulo sa aking balikat. Tinitigan ko siya. At tumingin  siya sa akin. "Baby i love you?!"  Sabi niya sa akin. Papalapit ng palalapit ang kanyang mukha sa akin. ano kaya gagawin ko jusko. Ayan na siya...... Tokkk! tokkk! tokkk! "KUYA GISING NA ANO BA! KAKAIN NA TAYO!" Sigaw ng aking kapatid na tarantado. Nagising ako Tang ina sayang magkikiss sana kami ng future boyfriend ko. "Oo, ayan na!" Sigaw ko rin sa kapatid ko. Bumangon ako at pumunta sa salamin tinignan ko ang mukha ko. Tinanong ko sarili ko. "Bakit ganon tuwing nananaginip ako tungkol sa future boyfriend palaging bitin?! Tanong ko sa aking isipan... Ang dami kong iniisip. Napa upo ako sa aking kama at unti-unti akong humiga. Tapos bigla kong naalala na may pasok pala ako ngayon first day pa namin. "Halllaaah! may klase pala ako ngayon!". Pumunta agad ako sa banyo at naligo. Minadali kuna ang pagliligo baka malalate na ako first day pa naman ngayon. Pagkatapos kong maligo pumunta agad ako sa baba at kumain ng umagahan. Nakita ako ni mama. "Ohhhh! Halika na baka malalate ka" sabi ni mama. Bakit pa kase ako nag puyat kagabi. Umupo na ako. At kumain ng almusal.  Tortang talong at hotdog ang aming almusal. Pagkatapos kong kumain tumakbo na ako. " HOYYY! yong baon mo nak!" Pahabol na sigaw ni mama sakin. "Oo nga pala". Iniabot ni mama yung baon ko at kiniss ko siya. Pagkatapos tumakbo na ako at nag para ng bus papuntang school. Paparating na ang bus. Nagpara ako. Huminto ang bus. "School?" Tanong ni kuyang kundoktor saken.  Sumagot naman ako. "Opo!". Umupo na ako. Pagkalimas ng ilang minuto may nakasabay akong studyante rin. Na nagngangalang Shine. Ngumiti siya saken. "Pwede bang makiupo?" Tanong niya sa akin. "Oo naman" sagot ko sa kanya. Umupo na siya at nakipag kilala sakin. "Hi i'm Shine, Shine De Vera" sabi niya sakin. Mukhang siyang friendly at masiyahin. "Nice to meet you" sabi ko sa kanya at nagkamayan kami. "Btw, what's your name?" Tanong niya sa akin. Aba matalino atah to mukhang magaling mag english. "AHHH! Tommy, Tommy Velasquez" sagot ko sa kanya. "Nice name!" Sabi niya. Ano kaya kong sabayan koto. Pagkalipas ng ilang minuto nakarating na kami sa school. Pumasok agad ako para tignan yung pangalan ko sa bawat section. Tinanong ulit ako ni Shine kung ano daw kukunin kong kurso. "Anong kukunin mong kurso?" Tanong ni Shine sa akin. Sumagot naman ako. "Ahh! Civil engineering". Di ko alam na pareho pala kami ng kukuning kurso. "Me too" pasayang sabi niya sa akin. Magkasama kaming pumunta sa engineering village. Tapos hinanap namin ang pangalan namin sa bawat room. Pagkatapos ng ilang segundo nahanap kona yung pangalan ko. Hayyy nako salamat naman. Nahanap na rin ni Shine yung pangalan niya. So? Magclassmate pala kami ni Shine. "Magkaclassmate pala tayo Tom?!" Sigaw niya sakin. Ngumiti nalang ako sa kanya. First time niyang sinabi yung pangalan ko kaso ko lng nga lng HAHAHA. Pero ok narin yun. Masaya ako dahil may nakilala agad akong kaibigan. Biglang may tumapik kay Shine na lalake. Gwapo siya. Hallah nageexpect ako tuloy kong siya yung future boyfriend sa panaginip ko kagabi. Natulala ako sa kanya. Naghello siya sakin at kay Shine. Jusko po parang naiinlove na ako sa kanya. Ilang beses akong sinigawan ni Shine. "Huyyy! Huyy! Huyy! TOM! TOM!" sigaw niya saken. Nagulat ako napatingin nalang ako sa kapaligiran. "Ok kalang Tom?" Tanong ni Shine. Napakindat nalang ako sa gulat. Diko inexpect na magkaclassmate kami nong lalake. Pumasok na kami at magkatabi kami nong lalake. At nagpakilala siya sa amin. "Btw, i'm Frank, Frank Smith?" Sabi niya sa amin. Jusko hindi ako mapakali sa pagtingin sa kanya. Para akong nasa langit sa kaka tulala sa kanya. Nagpakilala rin si Shine kay Frank. "Hi Frank, i'm Shine De Vera". Nanahimik nalang ako. Katabi ko si Shine. "Nice to meet you Shine" wika ni Frank kay Shine. Nagkamayan sila. Napatulala ako sa kanilang dalawa. Pagkatapos tinignan ako ni Frank. "Hi bro, ano pangalan mo?" tanong niya sa akin. Natulala ako sa kaba. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. "Ahhhhh! I'm Tommy, Tommy Velasquez" sagot ko sa kanya. Inabot niya ang kanyang kamay sa akin. "Pwede ba tayong maging mag kaibigan?" tanong  niya sa amin kay Shine. "Oo naman" Sagot ni Shine kay Frank. Napangiti nalang ako sa kanya. Pagkatapos ng ilang minuto magsisimula na ang aming klase. Ang first period namin ay physics. Pumasok na ang guro namin. Nagpakilala ang guro namin. "Hello everyone, I'm  teacher Archit Bueno. I will be your teacher in physics" pakilalang salita ng guro namin. Tuloy-tuloy ang pagsasalita ng guro namin. Pagtapos may biglang pumasok na dalawang lalake. Kambal silang dalawa. Tumingin ako sa kanilang dalawa at sininyasan ko sila na pumasok nalang. Pumasok naman silang dalawa. Hindi sila pinansin ng guro namin. Tumabi sila sa akin. At nag tanong sila kong unang klase pa lamang. "Unang klase pa lamang to?" tanong sakin ni Lucas. Sumagot naman ako. "Oo, una klase palang toh". Ngumiti silang dalawa sa akin at nakipag kilala sila sa aming tatlo. "Hi sa inyo I'm Lucas. At heto naman si Lance ang kambal ko". Nagpakilala naman kaming tatlo. Isa-isa kaming nagpakilala sa kanila. Pagkatapos naming magpakilala. Narinig kami ng guro na nag-uusap. "At the back are you listening?!" Sigaw ng teacher saamin. Hindi nalang kami nagsalita at patuloy kaming nakinig sa klase. Pagkatapos ng ilang oras natapos narin ang aming klase. Oras na ng break namin. Naganyaya si Frank sa amin. "Guys halikayo magmeryenda tayo? Libre ko" sabi samin ni Frank. Nahihiya ako at napatingin nalang ako sa baba. Sumangayon lahat sila pero ako hindi pa ako sumasagot. Tinapik ako ni Shine. "Oyyy! Ano sama kana libre daw ni Frank" pagulat na sabi ni Shine sakin. Tinanong ulit ako ni Frank. "Halikana wag kanang mahiya" sabi sakin ni Frank sabay hila sa aking kamay. Sumunod nalang ako. At pumunta na kami sa restaurant. Sosyal yung school namin may pa restaurant pa. Nakarating na kami sa restaurant. "Oh guys pili na kayo kong ano gusto niyo" wika ni Frank sa amin. Ramen ang gusto ni Shine,Lucas, at Lance. Habang ako naman walang mapili. Tinapik ako ni Frank at napatingin ako sa kanya tinanong ako. "Anong sayo?" wikang tanong ni Frank sakin. "Ahhh sisig nalang sakin" sagot ko sa kanya. Nag order na si Frank. "Tatlong ramen po at tyaka dalawang sisig" wika ni Frank sa tindera. "Dito niyo po kakainin sir?" Tanong ng tindera. Sumagot naman si Frank. "Opo". "Anong pong drinks niyo?" Tanong ulit ng tindera. Tumingin saamin si Frank at nagtanong kung ano drinks namin. "guys anong drinks niyo?" Sigaw na tanong ni Frank saamin. Sumagot si Shine. "Ice tea nalang lahat". Sumang naman kaming lahat. Pagkatapos nag order si Frank pumunta agad sa amin anmt umupo siya. Magkaharap kaming dalawa. Habang inaantay namin yung order nagusap-usap muna kami. Nagkwento-kwento kami tungkol sa aming buhay. Nauna ang kambal na si  Lance. Kinuwento niya sa amin ang binagaabalahan niya sa buhay habang ako naman ay tahimik lang nag uusap-usap sila maliban sa amin. Di kalaunan napansin ako ni Shine na tahimik at tulala. Ginulat ako ni Frank. " huyy! Bakit kanina ka pa tulala ano ba iniisip mo hah?". Sumagot naman ako. "Wah wala, siguro kulang lang ako sa tulog nagpuyat kase ako kagabi". Makalipas ng isang minuto andyan na yung order namin. Tinulungan ni Frank ang waiter na ilagay ang order namin sa mesa. Nagpasalamat kaming lahat sa waiter. Pagkatapos kumain na kami. Napansin lahat na magkapareho kami ni Frank ng pagkain. "Bakit magka pareho kayo ng inorder?" Wikang tanong ni Shine. Magkasabay kaming sumagot ni Frank kay Shine. "Favorite ko toh" wikang sagot namin kay Shine. Nagkatinginan kami ni Frank. Tapos nginitian niya ako sabay sabing "magkapareho pala tayo". Sumagot ako ng mahinhinan. "Oo paborito ko nong bata pa ako". Napatingin silang tatlo sa amin na nag-uusap. "Ohh?! Bakit kayo naka tingin samin?" Wika ni Frank sa kanilang tatlo. Hindi nila pinansin si Frank at tinuloy nalang nila ang kanilang kinakain. Tumingin ulit sa akin si Frank at nginitian ako. Ngumiti naman ako. Makalipas ng ilang minuto. Biglang may dumating na tatlong lalake. Naka kotse sila mukhang mayaman at astig.  Napatingin lahat sa kanila ang mga nasa restaurant. Mukhang sikat silang tatlo. Papunta sila sa amin. Napaka gwapo nung nasa gitna. Heto nanaman ako. Madami nanaman akong iniimagine jusko. Ang hot niya tapos ang soft yung mga labi niya at ang dalawa niyang kilay ay makapal. Para nasa kanya na lahat ng kagandahan ng katawan. Nakatulala ang lahat sa kanila lalo lalo na yung nasa gitna. Tumingin yung lalake sa akin habang nag lalakad. Nagkatinginan kami. Nung nasa numaan sila sa inuupuan namin. Bigla niya akong inirapan. Aba suplado pala tong lalakeng toh. Pogi ka sana kong hindi ka suplado. "Halahhh ang pogi" sabi ni Shine sa akin. Nginitian ko nalang si Shine. Ang mga tatlong lalake ay umupo  malayo sa amin pero kitang-kita ko siya. Tinuloy ko nalang ang kumain. Pagkatapos naming kumain pumunta na kami sa klase namin. Tumayo na kami at naglakad papuntang sa room namin. Dadaan kami sa pwesto nung tatlong lalake. Nung malapit na kami sa inuupuan nila. Tumingin ako sa kanya. Napatingin rin yung isang lalake na umirap sa akin. Inirapan ko rin siya tapos sabay tingin sa harapan. Dinaanan ko nalang siya. Gumanti lang ako. Tumingin lang siya ng tumingin sa akin. Kahit nakatalikod ako. Napa tayo siya at sinigawan niya ako. "Huyyy! Ikaw! Ikaw na over shirt!" Sigaw niya sa akin. Nagsitinginan lahat ng tao. Huminto ako at ang king mga kaibigan. At tumingin sa kami sa kanya. Natulala ako sa takot. Ako lang naman yung naka suot ng over shirt. Naglapitan ang kanyang mga kilay. Galit ata siya. Lumapit siya sa akin. Habang papalapit siya nanginginig ako sa takot. Nong nasa harapan kona siya. Nagkatitigan kaming dalawa. Hindi ko maalis ang takot ko. Di ko alam ko anong gagawin niya sa akin. Baka sasaktan niya ako. "Ano ba problema mo hah?!" Pagalit n a tanong sa akin nong lalake. Nahihiya na ako. Nakatingin lahat ng tao sa aming dalawa. "Ah ako yung tinatanong mo?" Pahinhin na tanong ko rin sa kanya. Sa dami dami ng sasabihin ko nagawa ko pa talagang mampilosopo sa kanya. "Sino yung nasa harapan ko edi ikaw ulol ka ba?!" Pagalit na sagot niya sakin. Lalo siya nagalit sakin. "Bakit mo ako inirapan?" Tanong niya ulit sakin. Siya yung naunang umirap sakin tapos ako yung gaganiyanin niya no way. Nilapitan niya ang mukha ko. Di ko alam kong ano gagawin niya. Mas lalo akong natakot at nagkaba. Biglang nakialam si Frank. Hinila ako ni Frank papalikod at siya yung nakiharap sa lalake. "May problema kaba tol?" Tanong niya sa lalake. "Bakit ikaw bah yung kinakausap ko hah?" Sagot nong lalake. Nagakatitigan silang dalawa. Habang nagkakatitigan silang dalawa. Inilalayan ako ni Shine. Lumapit si Lucas at Lance sa kanilang dalawa at pinigilan nila ang kanilang pagtatalo. Pumunta rin ang barkada nong lalake. "Guys tama nayan!" Wikang sigaw ni Lucas sa kanilang dalawa. Sumunod naman na nagsalita si Lance. "Halika na Frank sag na kayong mag talo pa". Hinila ni Lucas at Lance ang kamay ni Frank. Habang yung lalake naman ay inawat ng kanyang barkada. Pagkatapos pumunta na kami sa aming room buti nalang walang nakakitang teacher sa amin. Kung hindi mapapahamak kaming lahat. Oras na ng chemistry subject namin. Habang nagklaklase kami. Napalaisip talaga ako ng malalim at iniisip ko yung nangyari kanina. Hindi nalang kami naguusap-usap tungkol sa nangyari kanina. Hindi nalang kami lumabas hanggang hapon sa room namin. Next chapter....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD