Ang tukso ay parang tila nananadya. Natuwa si Arnel dahil parang binibigyan siya ng pagkakataon na tuluyang maiwasan ang dalawa. Lay low daw muna sila sabi ni Nene. At si Len-len naman ay seryoso sa kanyang pag-aaral. Subalit, kung iniiwas siya sa mag-ina, naririto naman si Sonya at lalo pa silang nagkakalapit ngayong magkasama na sila sa opisina. Nang malaman ni Arnel na buntis si Leticia, parang may nagbubulong sa kanya na dapat ay maging matapat na siya sa asawa. Ang alam nya, mas higit ang responsabilidad ni Leticia sa kanilang pagpapamilya. At pinahahanga siya ng asawa. Hindi nya akalain na makakaya nitong alagaan ang dalawa nilang anak kahit malayo siya, at naisingit pa rin nito ang kagustuhang matulungan siya para lalong maging matibay ang kanilang pugad. At parang nahihiya siya s

