Chapter 1: The Offer

530 Words
Tahimik ang buong silid pero ramdam ang bigat ng hangin. Amoy ng mamahaling alak, usok ng tabako, at dugo—kahit wala namang sugatan. Nakatayo si Vlad sa gitna ng opisina. Malawak ang salamin sa likod niya, tanaw ang buong lungsod na parang hawak niya sa palad. Ilang taon niyang binuo ang imperyong ito. Ilang katawan ang inilibing. Ilang kasunduan ang pinirmahan gamit ang dugo, hindi tinta. At ngayon, isang kasunduan lang ang kayang gumiba sa lahat. Tatlong lalaki ang nakaupo sa tapat niya. Mga miyembro ng Council. Mga mukhang walang emosyon. mga taong kayang magdesisyon kung sino ang mabubuhay at kung sino ang mawawala na parang naglalaro lang ng chess. Sa gitna nila, nakasandal si Daron. Ngiting hindi mo alam kung biro o banta. “Relax, Vladimir,” malamig na sabi nito habang iniikot ang baso ng whisky. “Hindi ka namin tinawag dito para patayin.” Napangiti si Vlad. Walang init, walang saya. “Sayang,” mababang sagot niya. “Because that would’ve been easier.” Nagkibit-balikat si Daron. “Violence is too… messy. We prefer agreements.” Kasunduan. Mas masahol pa sa bala. Tumayo ang isa sa mga matatandang lalaki. Mabagal, parang bawat hakbang ay may kasamang hatol. “Nasa alanganin ang kumpanya ng pamilya mo,” wika nito. “Frozen ang assets. Hawak namin ang lahat ng papeles. Isang pirma lang namin… tapos ka na.” Kumuyom ang kamao ni Vlad. Pero nanatiling kalmado ang mukha niya. Hindi siya puwedeng magkamali. Isang maling galaw, at hindi lang siya ang mawawala kundi pati ang pamilya niya. Pati siya. “Pero,” singit ni Daron, nakangisi. “May offer kami.” Tumayo ito at lumapit sa kanya. Masyadong malapit. Masyadong kumpiyansa. “I’ll give you three days,” bulong nito. “Three days to think. You get your company back. Your assets. Your name cleared.” Nagtagpo ang mga mata nila. “But in exchange…” huminto ito sandali, sinasadya ang katahimikan. “…you give us her.” Parang may sumabog sa loob ng dibdib ni Vlad. “Ulitin mo,” malamig niyang sabi. Tumawa si Daron. “Your girlfriend. The woman you love so much. She becomes part of our terms.” Sa isang iglap, hawak na ni Vlad ang kwelyo nito. Isinubsob niya si Daron sa pader. Umalingawngaw ang tunog ng banggaan. “Don’t. Touch. My. Girlfriend,” bawat salita ay parang kutsilyo. “Or I swear, you’ll see hell before you die.” Ngumiti pa rin si Daron. Mas malawak. Mas baliw. “I like this version of you,” sabi nito. “Pero think about it. Love… or empire?” Binitiwan niya ito. Humakbang palayo si Daron at inayos ang gusot na kwelyo. “We’re watching you, Vladimir,” wika nito bago lumabas. “Don’t do anything stupid.” Naiwan si Vlad mag-isa sa silid. Sumandal siya sa mesa. Mariing ipinikit ang mga mata. Her life… His empire… Hindi niya alam kung alin ang mas masakit piliin? Ang isuko ang babaeng mahal niya, o ang hayaang gumuho ang mundong binuo niya para protektahan ang lahat. Pero isang bagay ang sigurado. Hindi siya susunod. At kahit kailangan pa niyang sirain ang buong Council gagawin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD